10 anyos na bata, pinuri matapos mag-donate ng P500 ipon para sa frontliners

Imahe mula sa Facebook | Jerry Renas at Unsplash
  • Marami ang natuwa sa isang 10 taong gulang na bata na nag-donate ng perang naipon para sa mga frontliners
  • Pambili sana niya ito ng cellphone bilang regalo sa sarili dahil magtatapos siya ng elementary
  • Ani Iloilo City Mayor Jerry Trenas, hindi man natuloy ang pagtatapos ng bata ay magiging espesyal pa rin ito dahil nakatulong siya sa frontliners

Kinagiliwan ng netizens ang isang 10 taong gulang na bata na nagpadala ng mensahe kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas upang sabihin na handa siyang i-donate para sa mga frontliner ang naipon niyang pambili sana ng cellphone. Regalo dapat ito sa sarili dahil nakatakda sana siyang magtapos ng elementarya.

Imahe mula sa Facebook | Jerry Trenas

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Mayor Trenas na ngayong buwan ng Abril ay panahon sana ng graduation ngunit dahil sa COVID-19 ay naudlot ang mga ceremony upang maiwasan ang pagtitipon.

“This student, Sky, was saving money for her graduation to buy a new cellphone. She saved up P532. And since she cannot celebrate her graduation, she decided to give her money to our frontliners for their food,” ani Trenas sa kaniyang post.

Nagpasalamat din ang alkalde dahil naisip ng estudyante na tulungan ang mga frontliner.

“Thank you, Sky, for thinking of others especially our frontliners. We have to take care of them so that they can continue to take care of us,” paliwanag ni Mayor Trenas.

Imahe mula sa Facebook | Jerry Trenas

Bagama’t kanselado ang graduation ceremony ay ipinaabot din niya ang pagbati kay Sky.

“This will be the most memorable graduation you’ll ever have because you were able to help those in need. Rest assured that we will use your donation to buy vegetables to keep our frontliners healthy,” aniya. “Just like your parents, I, too, am proud of you!”

Maging ang mga netizen ay nagpasalamat sa kabutihan ng bata. “Congrats, Sky! You deserve an award for being so kind at your age and for thinking about our frontliners,” ani Junelyn S.

Si C. Damaolao naman, hanga sa mga magulang ni Sky. “Sky was raised by very kind and good hearted parents. We are proud of you.”

Source :

Facebook

Loading…