2019 Bar exam’s Top 1 sinabing ‘di kailangang mag-aral sa Manila para maging topnotcher

  • 2019 Bar Top 1, pinatunayang hindi kailangang mag-aral sa Maynila para maging topnotcher
  • Sabi ni Atty. Mae Dianne Azores: “Kung gugustuhin nilang mag-top, kakayanin nila”
  • Iniaalay niya ang tagumpay sa pinakamamahal na lola na hindi na nahintay ang paglabas ng resulta

Minsan mo na rin bang pinangarap mag-aral sa Maynila dahil sa paniniwalang mas mahusay ang mga nagsisipagtapos dito?

Well, pinatunayan ng 2019 Bar Exams’ Topnotcher na kaya ring makipagsabayan ng mga paaralan sa probinsya.

Image by Mae Diane Azores via Facebook

Ayon sa GMA News, isa umano sa mga pangarap ng Top 1 sa Bar Exams na si Atty. Mae Dianne Azores ang maiangat ang moral ng mga law school sa probinsya kaya’t ipinamalas niya ang husay sa eksamin.

Si Azores, na nakakuha ng 91.0490% rating, ay nag-aral sa University of Sto. Tomas — Legazpi.

Sabi niya sa panayam ng dzBB, “Kaya isa rin po talagang pangarap ko na mag-top para ma-inspire po yung mga estudyante na nasa probinsiya na hindi kailangan na mag-enroll sa Manila pa o kung saan kasi nasa estudyante talaga ‘yun. Kung gugustuhin nilang mag-top, kakayanin nila.”

Nabanggit din na lima sa sampung topnotcher ngayong taon ay mula sa mga paaralan sa labas ng Metro Manila.

Batay sa The Asian Parent, iniaalay ni Azores ang natamong tagumpay sa kanyang lola na yumao noong Marso na hindi na naabutan ang paglabas ng resulta.

Pagbabahagi ng Virtual Pinoy, inspirasyon naman nito ang kanyang mga magulang na palaging sumusuporta sa kanya.

Hindi umano matatawaran ang kagalakan ng mga ito nang lumabas na ang resulta.

Pagkatapos niyang magdasal gamit ang rosaryo, “Then nagbukas na ko ng phone, tapos may nag-send sa akin ng picture [nung top 10] tapos sumigaw na ko ng “Mama, Mama,” sabi niya.

Image by Mae Diane Azores via Facebook

Isa rin siyang Certified Public Accountant (CPA) at nagtatrabaho sa Commission on Audit (COA). Apat sa topnotchers ay CPA.

Ngayong taon, mayroong 27.36% passing rate ang Bar exam. 2,103 ang nakapasa mula sa 7,699 na nakakumpleto ng test noong Nobyembre.

Image by Mae Diane Azores via Facebook

Loading…