2019 Bar Exams’ Top 6, ‘di inaasahan ang pagiging topnotcher

  • Top 6 sa 2019 Bar Exams, sinabing hindi inaasahan ang pagiging topnotcher
  • Inilagay niya sa airplane mode ang cellphone dahil sa paniniwalang madidismaya ang mga umaasa
  • Pinagsabay niya ang pagtuturo at pag-aaral ng batas

Papaano kung hindi ka na umaasa na makakakuha ka ng puwesto sa may pinakamataas na iskor sa Bar exams, ngunit pagtingin mo sa resulta, may pangalan ka pala sa nakapasa at nasa top 6 pa? Wow!

Image by Kenneth Manuel via Facebook

Para kay Atty. Kenneth Glenn Manuel na kilala sa tawag na Sir K, hindi na raw siya umasa na lalabas ang kanyang pangalan sa mga mangunguna sa Bar exams at piniling ilagay sa airplane mode ang cellphone dahil sa paniniwalang mabibigo ang mga umaasa para rito.

Ayon sa GMA News, nakiusap na lamang siya sa isang kaibigan na ise-send ang resulta sa pamamagitan ng e-mail na siya nitong bubuksan sa pamamagitan ng kanyang tablet.

Kaya naman pagkabasa niya ng resulta, ipinost ng bagong abogado sa Twitter, “OMG IS THIS REAL? AM I ATTY. KENNETH MANUEL, CPA, TOP 6 OF THE 2019 BAR??? HOY TOTOO BA TO KAKAGISING KO LANG HOYYYY SHETTTT OMG OMG OMG.”

Nakakuha si Sir K ng 88.1730-porsyentong iskor sa eksamin.

Pagbabahagi ng The Varsitarian, nagtuturo si Sir K sa Colegio de San Juan de Letran at reviewer sa Review School of Accountancy para matustusan ang kanyang pangangailangan.

Pumapasok siya ng alas-7 ng umaga sa trabaho at sa kanya namang klase sa pag-aaral ng batas sa University of Sto. Thomas (UST) mula alas-5 hanggang alas-9 ng gabi.

May mga pagkakataon pa ngang nahihirapan na siya sa aspetong pisikal, emosyonal, at pinansyal pero wala raw makadadaig sa pagnanais na makapagtapos bilang cum laude sa law school.

Image by Kenneth Manuel via Facebook

Mahal niya ang pagtuturo kaya’t nais niyang ituon ang atensyon sa karapatan sa pag-aaral, at proteksyon sa mga mag-aaral at guro.

Binati siya ng Letran at UST sa social media. Sabi ng Letran, “Kenneth is an alumnus of the Colegio with a BS Accountancy degree, graduating Magna Cum Laude. He was a consistent dean’s lister and academic scholar during his college years.”

Image by Kenneth Manuel via Facebook

Loading…