2GO, hindi tinanggap ang P35 million na alok ng DOTr bilang renta sa dalawang quarantine ships

  • 2GO Group, Inc. hindi tinanggap ang P35 million na alok ng DOTr bilang renta sa dalawang barko ng kumpanya
  • Ang mga barko ay ginawang floating quarantine facilities para sa mga COVID-19 patients
  • Ipinahayag mismo ni 2GO Chairman Dennis Uy na donasyon ng kumpanya sa pamahalaan ang pagpapagamit ng dalawa nilang barko

Ipinahayag ng 2GO Group, Inc, isang logistics firm na pag-aari ni Dennis Uy, na hindi nila tatanggapin ang alok na P35 million ng Department of Transportation (DOTr) bilang renta sa dalawang barko ng kumpanya na ginagamit ngayon bilang floating quarantine facilities para sa COVID-19 patients.

Imahe mula sa DOTr

Ipinahayag mismo ito ni 2GO Chairman Dennis Uy noong Miyerkules, ika-23 ng Abril, matapos ianunsyo ni DOTr Secretary Art Tugade sa isinagawang press briefing na nirentahan ng gobyerno ang dalawang barko ng kumpanya sa halagang P35 million.

Nauna nang kinuwestyon ng Infrawatch PH ang pagrerenta sa mga barko bilang quarantine facilities. Sabi nito, ang dapat prayoridad ng pamahalaan ay ang paghahanap ng land-based quarantine sites.

“To set the record straight, actual cost to operate the two vessels as quarantine facilities is at P260 million. But this was intended to be a donation. The P35 million was an offer made by the DOTr, for which we had no plans of accepting,” sabi ni Dennis Uy.

“Again, I apologize if this news has unduly offended some of our fellow Filipinos, so let me be clear, 2GO is providing two vessels to serve as quarantine facilities free of charge to the Filipino people. Even if the government offers to pay the P35 million, we in 2GO, in good conscience, have no intentions of accepting their offer,” dagdag pa ni Uy.

Imahe mula sa 2GO Group, Inc.

Nagpasalamat at humingi na rin ng paumanhin si Sec. Tugade kay Uy dahil naging tampulan pa ito ng mga negatibong komento mula sa mga netizens dahil sa napaulat na P35 million rent ng floating quarantine ships.

Source :

GMA Network, PIA

Loading…