Middle class netizen, may liham para sa mga poorest of the poor

Imahe mula sa Facebook | Janice Magtibay
  • Nagbahagi ng liham sa mga poorest of the poor ang isang netizen
  • Aniya, bahagi siya ng middle class na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine ang hanapbuhay
  • Hiling niya, sana ay gamitin nila sa wastong paraan ang ayudang matatanggap nila mula sa gobyerno

Ibinahagi ng isang middle class netizen ang kaniyang saloobin sa mga Pilipinong kabilang sa poorest of the poor sa pamamagitan ng isang liham.

Imahe mula sa Facebook | Janice Magtibay

Sa simula ng kaniyang liham ay nagpakilala ang may-akda ng liham na si Janice Magtibay bilang miyembro ng middle class.

“Nagtatrabaho, nagsisikap para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Kabilang din ako sa apektado sa tigil trabaho na dulot ng COVID na ‘to. Kasama sa mga pag naubos na ang leave, wala na ring sweldo. Kabilang sa mga nakakaltasan ng gobyerno pero di kasama sa mga mabibigyan ng sustento,” aniya.

Paglilinaw niya, hindi siya naghihimutok sa gobyerno dahil sa desisyon nitong unahin ang poorest of the poor sa gitna ng krisis na ito dahil may nakakain pa naman ang kaniyang pamilya.

“Nakakalungkot lang isipin na kayong pinipilit ng gobyernong tulungan, kayo pa ang hindi halos tumulong sa gobyerno,” sabi ni Janice.

Imahe mula sa Facebook | Janice Magtibay

Ang tinutukoy niya ay ang mga hindi sumusunod sa panawagan ng gobyerno na manatili na lamang sa loob ng bahay kung walang mahalagang gagawin sa labas at ginagamit ang natanggap na ayuda para sa kanilang bisyo.

“Kayo pa yung mga nakikitang nasa kalsada na parang walang pandemic, na pag pinagsabihang manatili sa bahay kayo pa yung galit… Kayo yung mga tambay sa kanto na wala na ngang trabaho nakukuha pang magbisyo,” aniya pa.

Pakiusap niya sa mga makatatanggap ng ayuda, nawa ay gamitin nila ito sa tamang paraan. “Kung mababasa mo ito my ‘poorest of the poor,’ sana malaman mong umaasa ako na isang ‘middle class’ na gamitin mo sa tama yung matatanggap mong ayuda. ‘Yan kasi yung galing sa pawis kong halos sa trabaho na tumira,” aniya.

Basahin ang kabuuan ng kaniyang liham dito.

 

Source :

Facebook

Loading…