74 anyos na COVID survivor napasayaw matapos madischarge

Imahe mula sa Facebook | Randy Luna
  • Ginulat ng 74 anyos na COVID survivor ang mga staff ng isang ospital sa Maynila nang tumayo siya upang sumayaw sa inihandang send-off sa kanilang mag-ama
  • Paraan niya raw ito upang ipakita ang pasasalamat sa Panginoon at sa mga staff ng ospital na tumulong sa kaniyang paggaling
  • Hindi naging madali para sa kaniya ang laban sa COVID lalo na at pumanaw ang kaniyang asawa dahil dito

Hindi naging madali ang pakikipaglaban sa COVID-19 ng 74 anyos na si Sotero “Terry” Agot — lalo na’t hindi nakaligtas  dito ang kaniyang asawa na kagaya niya ay tinamaan din nito. Samantala, ang 44 anyos na anak niyang si Joseph ay kagagaling lamang sa thyroid cancer.

Imahe mula sa GMA News | Randy Luna

Ito ang dahilan kung bakit kahit mahina pa ay hindi napigilan ni Lolo Terry na tumayo mula sa kaniyang wheelchair upang makiindak sa inihandang send-off para sa kanilang mag-ama ng mga frontliner mula sa Mary Johnston Hospital sa Maynila nang ma-discharge na sila matapos mag-negatibo sa virus.

Sa isang panayam sa GMA News ay sinabi ni Lolo Terry na wala siyang balak na tumayo ngunit gusto niyang iparamdam ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon at sa mga staff ng ospital na siyang dahilan ng paggaling nila ng anak.

Maging ang director ng ospital na si Dr. Glenn Roy Paraso ay nagulat sa pagsayaw ni Lolo Terry.

Imahe mula sa YouTube | GMA News

“Noong sumayaw si Tatay Terry, nagulat kaming lahat. Akala ko tatayo lang at magte-thank you but he was actually in a celebratory mode and I think that is how it was, it’s a victory over this disease,” ani Dr. Paraso.

“It was really a rocky start because he came in and he was already depressed because he was infected from his wife who actually passed away two days before he was admitted.”

Payo naman ng anak ni Lolo Terry na si Joseph, huwag sanang mawalan ng pag-asa ang mga pasyenteng may COVID-19.

“’Wag mawalan ng pag-asa. Just pray to God for healing. You have to trust God na whatever happens, good or bad, still God is good,” aniya.

Panoorin dito ang video:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…