82 COVID-19 patients na nakarekober naitala sa bansa sa loob ng isang araw

  • 82 COVID-19 recoveries naitala sa bansa sa loob lang ng isang araw
  • Sa kasalukuyan ay 487 na ang mga pasyente sa bansa na nakarekober sa COVID-19
  • Sa kabuuan ay mayroon nang 5,878 confirmed COVID-19 cases sa bansa

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasyenteng gumagaling sa coronavirus at noong Huwebes, ika-16 ng Abril, ay naitala sa bansa ang pinakamaraming COVID-19 recoveries na umabot sa walumpu’t dalawa (82) sa loob lang ng isang araw.

Imahe mula sa DOH

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na sa kasalukuyan ay 487 na ang mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19. Mas mataas na ang bilang ng mga gumaling kaysa sa bilang ng mga hindi nakaligtas na umabot na sa 387.

Nakapagtala naman ng 218 new confirmed COVID-19 cases para sa kabuuang 5,878 patients.

Ang pagdami ng mga naitatalang recoveries ay nagsimula noong ika-11 ng Abril, nang simulan ng DOH na isama sa bilang ang mga pasyenteng bumuti ang kalagayan at pinag-home quarantine na lang. Bago ipinatupad ang ganito, ang bilang ay ibinabatay lang sa mga pasyenteng na-confine at na-discharge ng ospital.

Sa kabila ng dumaraming pasyente na gumagaling, nilinaw ni DOH Health Promotion and Communication Service director Beverly Ho na hanggang ngayon ay wala pa ring established cure para sa COVID-19.

Samantala, ayon kay Marissa Alejandrina, presidente ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), na ang chloroquine at lopinavir na tinitingnan sa ibang bansa bilang potensyal na lunas para sa Covid-19 ay pawang experimental na gamot lang.

Imahe m ula sa DOH

Wala pa tayong magic drug o epektibong gamot na na-establish sa clinical trial na epektibo at safe gamitin sa Covid-19. Ang Chloroquine, a malaria medication, ay kaya niyang pigilin ang pagpasok ng virus, ang Lopinavir for HIV infections ay pinipigilan ang pagdami ng virus sa katawan. Base lamang sa maliliit na experiences, hindi pa clinical trial na nagsasabi na sila ang epektibong gamot sa COVID-19,” aniya.

Ayon pa sa kanya, ang paggamit ng chloroquine sa mild to moderate COVID-19 patients ay pinayagan ng Philippine Food and Drug Administrator bilang “off label” o “investigational” na gamot at hindi pa aprubado para sa COVID-19.

Imahe mula sa PSMID

“Kapag nagdesisyon ang doktor na ibigay ang gamot (chloroquine) sa pasyente, kailangan ipaliwanag sa pasyente na hindi pa ito ang established na gamot para sa Covid, possible benefits, side effects. May pipirmahan na informed consent,” ani Alejandina.

 

Source :

PNA, ABS-CBN

Loading…