Inisyatiba ng mga student leader sa Cagayan nakalikom ng 51 kabang bigas para sa mga nangangailangan

  • Mga student leader ng paaralan sa Cagayan gumawa ng inisyatiba para makalikom ng bigas para sa mga nangangailangan
  • Ginawa nila ito sa pamamagitan ng social media challenge o paghahamon sa mga may-kaya na tumulong
  • Nakalikom na sila ng 51 kabang bigas

Mahalagang maagang mahubog ang kasanayan sa pamumuno ng mga bata para paglaki nila ay magsilbi silang mahusay na modelo sa lipunan.

Kagaya na lamang ng mga student leader sa Cagayan na gumawa ng inisyatiba para makatulong sa mga nangangailangang kaklase at pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Image by AVHS – Supreme Student Government via Facebook

Ayon sa DepEd Philippines, inilunsad ng Supreme Student Government (SSG) ng Allacapan Vocational High School ang social media challenge na “Bigas Para Kay Juan.”

Sabi ni SSG President Keleph Basmayor, gumawa sila ng isang post na ibinahagi ng bawat SSG officer at kailangang magbanggit ng kakilalang may kaya na siyang hahamunin para tumulong.

Pagkatapos nito, kailangan ding ibahagi ng mga nahamon ang post at magbanggit ng kakilala rin nilang may-kaya.

Ani Keleph, “We’ll share the post and tag or mention our friends na “may kaya sa buhay” to donate any quantity of rice. Then the person we’ve mentioned or tagged will also share and mention another friend to do the challenge.”

Dahil sa patok ngayon ang mga challenge sa social media, agarang nakakuha ng atensyon ang kanilang inisyatiba.

Batay sa kanilang update nitong ika-17 ng Abril, nakalikom na sila ng nasa 51-kabang bigas.

“Thank you for sharing! We will ensure you that we will continue looking forward in achieving the best for everyone,” anila.

Samantala, pinuri naman ng mga netizens ang magandang hakbang ng mga mag-aaral. Sabi ng isa, “Keep safe everyone. God bless.”

Komento naman ng iba, “Great job. Sana others will follow.”

Image by AVHS – Supreme Student Government via Facebook

Hinihikayat ng Lifehack.org ang mga magulang na hubugin ang katangian sa pamumuno at pagiging mabuting halimbawa sa kanilang mga anak.

Binanggit na isa sa paraan para magawa ito ay ang pag-akay sa kanila upang magboluntaryo para tulungan ang mga nangangailangan. Mapapalawak din umano nito ang perspektibo ng mga bata sa mundo.

Keep up the good work, student leaders!

Image by AVHS – Supreme Student Government via Facebook

Loading…