Abalang si VP Leni, itinampok ng kaniyang staff

  • Itinampok ng isa sa kaniyang mga staff si VP Leni Robredo
  • Makikitang abalang–abala ito sa pagpa–plot ng kanilang mga magiging ruta na bibigyan nila ng ayuda o tulong
  • Umani naman ito ng papuri at paghanga sa mga netizens

Sabi nga, ang isang mahusay at mabisang pinuno ay nagdudulot ng inspirasyon sa kaniyang mga nasasakupan, lalo na’t kapag nakikita nilang “hands on” o punong abala ito sa mga detalye at iba pang mga bagay na may kinalaman sa pagsasakatuparan ng isang proyekto.

Itinampok sa Facebook post ng isa sa mga staff ng Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si VP Leni Robredo na si “Raffy Magno” ang kasipagan at dedikasyon nito sa pagtulong sa mga nangangailangan at naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Imahe mula sa Facebook account ni Raffy Magno

“Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sobrang kaunti ng resources ng aming opisina, kaya dapat masinop kami sa pagpapaabot ng ayuda para sa mga nangangailangan. Duty ngayon si VP Leni Robredo sa HQ, taga-plot siya ng ruta at taga-diskarte sa allocation kada ospital o community na pinupuntahan namin. May pa ruler pa ‘yan para pantay ang mga linya sa ginawa niyang listahan,” ayon sa caption nito.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Kahit hindi ka po magsalita, your works and deeds say it all! Mabuhay po! Maraming salamat po, VP Leni. Pahinga rin po kayo and take care of your health. God bless you,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Great work dear VP Leni. You make many Filipinos and Bicolanos like me happy and proud because of your great work to reach out and help your countrymen.”

“Iba talaga ang Dakilang Ina ng ating bayan. Sadyang alam kung paano dapat makarating sa kanyang mga anak ang pangangailangan. More power and keep safe po Madam VP!” pahayag naman ng isa.

Matatandaang simula nang maipatupad ang ECQ, isa ang Office of the Vice President sa mga humanap ng solusyon upang magkaroon ng maayos na transportasyon ang mga health care workers patungo sa mga ospital. Ipinagtanggol at pinuri siya ng mismong Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawa niyang pagtulong para sa mga Pilipino.

Public Domain Image

Mabuhay po kayo, VP Leni!

Loading…