Ai-Ai dela Alas, nakahanap ng panibagong pagkakakitaan sa kaniyang ube pandesal business

  • Busy ngayon ang aktres na si Ai-Ai delas Alas sa kaniyang bagong bukas na negosyo
  • Sa gitna ng pagpapairal ng enhanced community quarantine sa Metro Manila, nasipan ng komedyante na magsimula ng kaniyang ube pandesal business
  • Pinapadala niya ang kaniyang mga produkto sa customer gamit ang mga delivery service apps

Nakahanap ng panibagong pagkakakitaan ang aktres na si Ai-Ai delas Alas sa kalagitnaan ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Imahe mula kay @msaiaidelasalas | Instagram

Sa nakaraang mga Instagram post ng aktres, makikita ang naging paghahanda at pagpapractice nito upang makuha ang perpektong lasa para sa kaniyang ube pandesal business.

Ayon sa interview ni Ai-Ai sa Pep, sinabi nito na ang asawa niyang si Gerald Sibayan ang naging dahilan para subukan niyang gumawa ng ube pandesal. Ito umano ang nagkumbinsi sa kaniya na i-offer ang kaniyang ube pandesal sa publiko at gawing negosyo.

“Parang aksidente lang siya. Iyong asawa ko, gusto talaga niya ng ube pandesal, so wala naman kaming mabilhan,” sabi ni Ai-Ai.

Dahil na rin sa nakapag-aral ng culinary si Ai-Ai, natuto umano siyang mag-bake at gumawa ng mga tinapay tulad na lang ng pandesal.

“Marunong akong gumawa ng pandesal, binigyan ko lang ng flavor,” paliwanag niya.

Pagpapatuloy ni Ai-Ai: “So ayun, ang nangyari nagustuhan niya, so might as well [gawin kong business]. Nagustuhan din naman ng iba, e di, patikim ko na sa mga followers ko, ‘tsaka iyong mga nasa Instagram. Ganoon ang start nun.”

Halos dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang gawin ni Ai-Ai ang Instagram account para sa kaniyang negosyo na Martina’s Breads & Pastries.

 

View this post on Instagram

 

Maghapong trabaho ngunit ang aking ngiti ay wagas ang ligaya .. makita ko lang na magaganda ang aking tinapay ay parang nasa langit ang aking pakiramdam .. salamat sa aking asawa @gerald_sibayan sa pagtulong sa pag hihiwa ng gramo ng dough, sa aking panganay sa pag mamasa @sanchovito , sa aking daughter in law sa pag lalagay ng cheese at ube @shannamayy at pagkuha na magandang pics .. sa aking future son in law sa pag hihiwa ng ube at cheese @vincebautistaa at sa aking bunso @sophdelasalas sa pag aasikaso sa orders at sa ig posts namin sa @martinaspastries at kay good LORD ( kasi dun ako nag papa rise sa chapel namin at tuwing papasok ako LORD BLESS OUR BREAD .. haha kung nagsasalita lang si lord busy ako ngayun nak pati ba naman tinapay mo haha ?.. salamat LORD sa lahat#madewithlove #breadoflife #pamilyamanomano #pamilyatulongtulong #weareoneforever

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Ilang mga artista at kaibigan sa showbiz na rin ang agad na naging customer ng komedyante sa kaniyang bagong business tulad na lamang nina Aiko Melendez, Eugene Domingo, Ara Mina, Ogie Diaz, at maging si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Maaari namang mag-order ng ube pandesal na gawa ni Ai-Ai sa pamamagitan ng pagme-message sa official Intsagram page ng business nito.

Imahe mula sa @martinaspastries | Instagram

Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon, sa Quezon City lang muna nakakapag-deliver ng tinapay ang komedyante.

Pinapadala niya ang kaniyang mga produkto sa customer gamit ang mga delivery service apps.

Loading…