Aira Bermudez, nagdulot ng nostalgia sa fans nang muling sayawin hits na ‘Spaghetti’ at ‘Halukay Ube’

Imahe mula sa Facebook | Eira Bermudez Inovero
  • Napahanga ang netizens sa ibinahaging video ni SexBomb girl Aira Bermudez
  • Sinayaw niya ang hits ng kanilang grupo kagaya ng Spaghetti, Bakit Papa, Halukay Ube, at Daisy Siete, gayundin ang kantang SexBomb ni Tom Jones
  • Napa-throwback tuloy ang mga batang 90s at inalala ang kani-kaniyang SexBomb moments 

Napaindak ang ilang mga batang 90s sa ibinahaging video ni SexBomb girl Aira Bermudez kung saan muli niyang sinayaw ang mga hits ng kanilang grupo.

Imahe mula sa Facebook | Eira Bermudez Inovero

Sa isang 4-minute video ay ipinakita ni Aira ang kaniyang walang kupas na dance moves nang muli niyang sayawin ang Sexbomb, Spaghetti, Bakit Papa, Halukay Ube, at Daisy Siete. “SEXB0MB HITS ating balikan,” aniya.

Dahil sa video na ito ay napa-trip down the memory lane ang mga SexBomb fan.

Naglabasan din ang mga fan ni Aira na nagsabing wala pa ring tatalo sa dance moves niya. “Walang kakabog dito. Dancing warrior is on fire,” komento ni A. Del Tierro.

“Childhood crush ko ‘yan. Grabe, walang kupas,” sabi naman ni John D.

Ang iba, kaniya-kaniyang pagbabahagi naman ng kanilang SexBomb moment.

Imahe mula sa Facebook | Eira Bermudez Inovero

“OG idol natin ‘to. Naaalala ko may album pa tayo ng SexBomb. Tapos kapag ‘Laban o Bawi’ na nasa magkabilang gilid tayo. Gagayahin natin sila hanggang matapos yung show,” pagbabalik-tanaw ni Sab P., sabay tag sa kapatid.

Si Shiellerys naman, ibinahaging lagi siyang nagmamadaling makauwi pagkatapos ng klase noon upang maabutan ang Eat Bulaga. “Grabe, nakaka-miss silang lahat. Sobrang favorite ko kayo, SexBomb. After school, nagmamadali akong umuwi sa tanghali para sa Eat Bulaga. Sinasabayan ko mga sayaw nila,” aniya.

Ang netizen naman na si Ruth Ann, SexBomb hits ang paboritong sayawin kapag may presentation para sa Christmas party noon.

“Lahat ‘yan sinayaw ko sa mga intermissions ng mga party or events noong bata pa ako,” pagbabahagi naman ni A-Zel.

Hiling naman ni Jhonnalyn A., sana ay muling magsama-sama ang SexBomb girls. “Nakaka-miss talaga. Sana sumayaw uli kayo nang sabay sabay. Bata pa ko, idol ko na kayo.”

Panoorin dito ang video:

Source :

Facebook

Loading…