Akronim na “PDM” at “PSP” ipinapasama sa COVID-19 monitoring report ng isang netizen

  • May pabirong panawagan ang isang netizen sa mga kinauukulan
  • Pinadadagdagan niya ng “PDM” at PSP” ang COVID–19 Monitoring Report, bukod sa PUM at PUI
  • Ito ay may kahulugang “Person na Di Makaintindi” at “Person na Sobrang Pasaway”

Kasabay ng paglaganap ng COVID19 sa Pilipinas, nagkaroon ng iba’t ibang mga termino na ngayon lamang narinig ng publiko, gaya ng social distancing, enhanced community quarantine, at mga akronim na “PUM” at “PUI”.

Ang “PUM” ay nangangahulugang Person Under Monitoring” habang ang PUI naman ay nangangahulugang “Person Under Investigation”.

Isang netizen naman ang pabirong nanawagan sa mga kinauukulan na dagdagan ang COVID-19 monitoring report ng dalawa pang akronim na magkaklasipika sa mga uri ng tao ngayon bukod sa PUI at PUM.

Ayon sa Facebook post ni “Christian Beckham Cruz II”, ang mga akronim na ito ay “PDM” at “PSP”.

Imahe mula sa Facebook account ni Christian Beckham Cruz II

Ang PDM ay nangangahulugan umanong “Person na Di Makaintindi” at ang PSP naman ay “Person na Sobrang Pasaway”. Nakita lamang niya umano itong kumakalat sa social media. Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, tama iyan, dami kasing hindi makaintindi. Kapag sinabing huwag na lumabas, lumalabas pa rin. Daming pasaway. Ayaw na lang sumunod para matapos na kaagad ang krisis na ito,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang witty nito. Sana nga ganiyan nga… dami kasing pasaway talaga. For sure mas marami pa ang PDM at PSP.

Paano nga ba nagkaiba ang PUM at PUI? Maikokonsidera ang isang tao na PUM kapag may nakasalamuha itong tao na natamaan ng virus, o kaya naman ay naglakbay sa mga bansang lubusang naapektuhan nito, na kailangang bantayan at magsagawa ng self–quarantine sa loob ng 14 na araw o dalawang linggo.

Ang PUI naman ay mga taong nakararanas ng sintomas ng COVID–19, may direktang pakikisalamuha sa mga pasyenteng may COVID–19, o kaya naman ay naglakbay sa mga apektadong bansa makalipas ang 14 na araw. Kinakailangan na rito na manatili sa ospital upang matiyak na agaran itong maaasikaso kung sakaling magpositibo sa swab testing.

Public Domain Image

Ikaw, saan mo ikakategorya ang sarili mo, sa PDM, sa PSP o wala?

Loading…