Alamin kung papaano manalo ng instant cash mula sa Wowowin kahit nasa bahay lamang

  • Tuloy pa rin ang kasiyahan at papremyo sa Wowowin
  • Tatawag si Willie Revillame ng mga tagasubaybay na siyang mananalo ng salapi mula sa programa
  • Maaari ring manalo ang buong pamilya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng talento

Sa kabila ng ipinapatupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic, tuloy pa rin sa pamimigay ng kasiyahan at papremyo ang programang Wowowin ni Willie Revillame.

Kumakailan lamang ay inilunsad ang Tutok To Win kung saan maaaring manalo ng limpak-limpak na salapi ang mga manonood sa pamamagitan pagsagot sa tawag ng programa.

Ayon kay Willie, kinakailangan lamang mag-subscribe ang mga tagasubaybay sa YouTube channel at i-like ang Facebook account ng Wowowin.

Pagkatapos nito, ipadala ng mga tagasubaybay ang kanilang pangalan, lokasyon at numero ng telepono sa pamamagitan ng Facebook Messenger o sa YouTube.

Pipili ang programa ng mga masuwerteng tagasubaybay na siyang tatawagan at magtatanong si Willie ng mga bagay-bagay katulad ng kulay ng kanyang kasuotan o mga pagsubok gaya ng paghula sa basong may laman. Kailangang nanonood ang tatawagan para masagot ang katanungan.

Papremyong mula P5,000.00 ang naghihintay sa mga papalarin.

Karagdagan, mayroon din silang segment na tinatawag na Search Quarrant kung saan magpapakita ng talento ang mga pamilya habang nasa loob ng kanilang bahay. Makatatanggap ng P15,000.00 ang mananalo.

Matatandaang nasa live broadcast na ngayon ang Wowowin sa GMA-7 makaraan itong payagan ng mga tagapamahala ng istasyon.

Ayon sa PEP, sinabi ng TV host na, “Kayo ho ako laging nagpapasalamat sa GMA, alam ninyo ho bakit? Kasi ho, para pagkatiwalaan po nila ako na mag-live sa Facebook, Twitter, at YouTube. At the same time, napapanood n’yo kami sa timeslot ng Wowowin. Napakalaking bagay po nito sa buhay ko.”

Image capture of video by
Wowowin via YouTube channel

Emosyunal ding binanggit ni Willie na ang layunin ng programa ay makatulong sa gobyerno at sa mga kababayan.

Sabi nito, “Kasi, una, gusto ko talagang makagawa nang mabuti sa inyo. At hindi lang ho pagbibigay ng saya, pagbibigay ng tulong, yun pong sinsero… kumanta, mapasaya kayo, may kumakanta nang maganda. Yung mapangiti kayo sa panahon ng nangyayaring ito.”

Screenshot mula sa video ng Wowowin
Source :

PEP, YouTube, GMA News

Loading…