Ama gumawa ng improvised face shield para sa bagong silang na anak

Imahe mula sa Facebook | ABS-CBN News
  • Isang ama sa Tacloban ang gumawa ng face shield para sa kaniyang bagong silang na anak gamit ang water bottle
  • Kailangan daw kasi nilang magbalik-balik sa health center para sa injectables ng sanggol
  • Paalala naman ng mga eksperto, hindi dapat suotan ng face shield ang mga batang may edad 2 pababa

Upang maprotektahan mula sa COVID-19 ang isang bagong silang na sanggol sa Tacloban ay ginawan siya ng improvised face shield ng kaniyang ama.

Imahe mula sa Facebook | Osvy Lauzon

Ginupit ni Osvy Lauzon ang isang lumang plastic bottle at saka nilagyan ng tupi-tuping papel ang gilid nito upang huwag masugatan ang anak. May rubber mat din ito sa bandang noo upang maging komportable ito para sa bata.

Ayon sa ABS-CBN News ay ginawa ito ni Lauzon dahil kahit na-discharge na ay kailangan pa rin nilang pumunta sa health center sa loob ng pitong araw para sa mga injectables ng kaniyang anak.

“DIY protective face shield. Safety first for the baby,” aniya sa kaniyang orihinal na post na may hashtag na stay at home.

Marami ang humanga sa pagiging resourceful ng ama.

“Dear baby, ang swerte mo kay tatay. Sure ako na aalagaan at poprotektahan ka niya mula ngayon hanggang sa paglaki mo. Pag-pray ko sina Tatay at Nanay na maging malakas at malusog para sa iyo,” sabi ng isang netizen.

Imahe mula sa PPS

Ngunit ang ilan naman ay ipinaalala na hindi inirerekomenda na gumamit ng face shield ang mga sanggol.

“Awesome Dad! But baby’s breathing process is more delicate than adult’s. The face shield could cause a build-up of carbon dioxide behind it and possibly also prevent oxygen from getting to the baby according to research,” sabi ni Joyce C.

Ganito rin ang naging pahayag ng Philippine Pediatric Society (PPS) at Philippine Society of Newborn Medicine (PSNbM) na nagpapaliwanag na maaari raw ma-suff0cate ang sanggol kapag sinuotan nito. Pwede rin daw itong maging sanhi ng sudden infant death syndrome.

“PPS and PSNbM support the statements of the Centers for Disease Control and American Academy of Pediatrics which state that ‘face coverings should not be placed on young childern under age two, anyone who has trouble breathing, or is unconscious, incapacitated or otherwise unable to remove the mask without assistance,'” anila.

Loading…