Ambagan ng mga estudyante sa isang paaralan, idinonate kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian

Imahe mula sa Facebook | Rex Gatchalian
  • Nag-donate sa lungsod ng Valenzuela ang isang klase ng mga mag-aaral
  • Bukod sa cash donation ay nagbigay rin sila ng liham para sa frontliners
  • Nagpasalamat sa kanila ang alkalde na sinabing hindi na mahalaga kung magkano ang kanilang ibinigay dahil mas mahalaga ang kanilang pus0 sa pagtulong

Ibinida ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang class officers ng isang paaralan sa lungsod na sumadya sa kaniyang opisina upang iabot ang nakolektang donasyon mula sa kanilang mga kaklase.

Imahe mula sa Facebook | Rex Gatchalian

“Class treasurer Selfina Alfaro and her classmates (Grade 6 Section Luke of St. Mary’s Angel) donate their allowances and collection to the city to aid in the battle against COVID-19. Salamat po,” ani Gatchalian sa isang Facebook post

“It is really not the amount that matters. It’s the heart,” dagdag pa ng alkalde na hindi na idinetalye ang halaga ng donasyon.

Bukod sa cash donation ay may iniabot din silang liham para sa mga frontliners.

“Thank you for all the sacrifices and hard work that you have done to protect all the people during this pandemic. May God bless you all. Always keep safe and remember that God is always here for us. We are all in this together,” saad sa isa.

Imahe mula sa Facebook | Rex Gatchalian

Ang isa naman, ipinaalala sa mga frontliners na huwag kalilimutang alagaan at mahalin ang kanilang sarili. “We are always here for you.”

Umani sila ng papuri mula sa netizens na humanga sa kanilang kabutihang loob at pagiging mapagbigay. “Very good. Bata pa lang sila pero may malasakit na sila sa nangyayari sa paligid. Saludo ako sa kanila, mayor,” komento ni Bernie N.

Sabi naman ni S. Villar, sana raw ay tularan ito ng ibang mga kabataan. “Napakarami pa ring mabubuti ang pus0. Nakatutuwa ang ganitong mga tao. Pagpalain kayo ng Maykapal,” ani Sam J.

“Another reason to keep on fighting,” sabi naman ni Johnny R.

Good job, pupils!

 

Source :

Facebook

Loading…