Angel Locsin at Neil Arce negatibo sa COVID-19

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin
  • Negatibo sa COVID-19 sina Angel Locsin at Neil Arce
  • Naging aktibo ang dalawa sa pagpapatayo ng tents para sa mga pasyente at mga frontliner
  • Ikinatuwa naman ng fans ang balitang ito

Nagdiwang ang fans ng aktres na si Angel Locsin matapos niyang ibalitang negatibo sila ng fiancé na si Neil Arce sa COVID-19.

Imahe mula sa Twitter | PCG

Sa pamamagitan ng isang Instagram story ay ibinahagi ng aktres ang magandang balitang ito kalakip ng larawan ng resulta ng test nila ni Neil. “COVID free,” aniya. Nirepost din ito ni Neil sa kaniyang stories.

Kabilang ang magkasintahan sa mga aktibong tumutulong sa mga frontliners sa bansa. Matatandaang pinangunahan nila ang #UniTENTweStandPH campaign kung saan nakalikom sila ng mahigit P11 million na nagamit upang makapagpatayo ng 246 tents sa 135 ospital sa bansa sa loob ng 19 araw.

“In the beginning, our only dream was to provide tents to hospitals for patients and for our frontliners to address the challenge in overcrowding, and to help lessen the increase of spreading the virus in hospitals,” sabi ni Angel.

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin

“But because you were all so generous and kind, we received from you donations of food, PPEs, aircon, and many others kaya naman po dahil sa inyo, we were able to give out not only tents but also PPEs and other supplies.”

Ikinatuwa naman ng fans ni Angel ang pagnenegatibo nila sa COVID. Anila, dahil sa kabutihan ng real-life “Darna” ay marami ang nagdasal para sa kaniyang proteksyon mula sa virus.

“Hindi na ako magtataka bakit sa kabila ng exposure nila sa publiko ay negative pa rin sila sa COVID. Bakit? Kasi protektado sila ng Panginoon. Wala silang ginawa sa kapwa kundi kabutihan kaya hindi sila pababayaan ng Panginoon,” ani J. Salazar.

Sang-ayon naman dito si R. Tersul. “Thank God. He guides and protects you both because you have the heart to help people without expecting anything in return and mixing political mission. May God bless you always and keep you safe from this pandemic.”

Loading…