Angel Locsin, pinisil sa halip na hipan ang kandila sa birthday cake bilang pag-iingat sa COVID

Imahe mula sa Instagram | Neil Arce
  • Maging sa pag-blow ng kandila para sa ika-35 na kaarawan ni Angel Locsin ay naging maingat siya sa COVID-19
  • Sa halip na hipan niya ang mga kandila ay pinisil niya na lamang ang mga ito matapos niyang mag-wish, bilang pag-iingat na rin para sa mga kasama niyang kakain din ng cake
  • Masaya raw ang kaniyang fiancé na si Neil Arce dahil nakapag-celebrate si Angel sa paraan na gusto niya – ang tumulong sa kapwa Pilipino

Bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-35 na kaarawan ay nakatanggap ng sorpresang Darna-themed cakes si Angel Locsin. Ngunit sa halip na hipan ang mga kandila matapos na mag-wish ay pinisil na lamang niya ito bilang pag-iingat sa COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | Neil Arce

Una niyang sinubukang patayin ang ap0y sa mga kandila sa pamamagitan ng pagpalakpak ngunit hindi ito gumana. Ginawa niya raw ito upang maprotektahan mula sa virus ang mga kasama sa bahay na kakain din ng cake.

“Ayan magpapakapaso na lang siya,” maririnig na sinabi ng kaniyang fiancé na si Neil Arce sa ibinahaging Instagram story.

Ani Neil, masaya siya na naipagdiwang ng aktres ang kaniyang ika-35 na kaarawan sa paraang gusto niya — ang tumulong sa mga kapwa Pilipino.

Imahe mula sa Instagram | Neil Arce

Bahagi sina Angel at Neil ng mga walang sawang naghahatid ng tulong para sa mga frontliners ngayong may kinahaharap na krisis ang bansa dahil sa COVID-19.

Matatandaang naging abala ang dalawa sa pangangasiwa ng pagpapatayo ng tents para maibsan ang overcrowding sa mga ospital, gayundin upang mabigyan ng pansamantalang tuluyan ang mga frontliners.

“Happy birthday, my Love! I know this year you celebrated the way you truly wanted to celebrate your birthday — by helping people for over a month straight now,” ani Neil sa kaniyang Instagram post.

Pangako niya ring laging susuportahan si Angel sa kaniyang mga ginagawang pagtulong. “I will be with you every step of the way. I declare protection over you in Jesus name! I love you, gorgeous.”

Panoorin dito ang video:

 

View this post on Instagram

 

My “Surprise” salubong ?

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

 

Loading…