Angel Satsumi aka Clarissa ng Pepito Manaloto, napansin ng isang netizen na dalaga na ngayon

  • Kahit sampung taon na sa ere, patok pa rin sa mga manonood ang comedy show na Pepito Manaloto
  • Dahil dito, napansin ng ilang loyal viewers na dalaga na ang bunso ni Pepito na si Clarissa
  • Nag-umpisa kasi bilang child star si Clarissa sa show pero mas matangkad na ngayon sa ibang cast members

Isa sa mga pinakamatagumpay na programa ng GMA Network ay ang family oriented comedy program na Pepito Manaloto. Matatag ang TV show na ito na nagsimula pa noong 2010 at patuloy na tinututukan ng madla dahil sa magandang kuwento at aral na mapupulot kahit na komedya ang tema ng programa na pinangungunahan ng Kapuso comedy genius na si Michael V.

At dahil magsasampung taon na sa ere ang Pepito Manaloto, kilalang-kilala na rin ng mga manonood ang bawat cast member nito na nagsisilbi na ngang icon sa telebisyon. Kahit ang anak nina Michael at Manilyn Reynes sa serye na si Angel Satsumi o mas kilala bilang Clarissa ay umagaw sa atensiyon ng ilang loyal viewers.

Larawan mula sa YouTube

Sa trending Facebook post nga ng netizen na si Anne Jelin Sabillo Macaspac, napansin niyang ang dati’y cute na cute na child star na si Clarissa ay dalaga na ngayon at mas matangkad pa sa gumaganap niyang ina na si Manilyn o mas kilala ng mga manonood bilang Elsa Manaloto.

Saksi raw sila sa mga cute na eksena ni Clarissa na madalas ay asarin ng kanyang tatay na si Pepito at ang kuya niyang si Chito na ginagampanan naman ni Jake Vargas. Katulad kasi ng nanay niya sa show, mahilig din kumain si Clarissa kaya naman lagi silang binibiro ng kanilang pamilya.

Hindi orihinal na cast member si Clarissa ng Pepito. Si Chito lamang ang anak nina Pepito at Elsa sa mga unang taon ng programa ngunit nang magdalang-tao sa totoong buhay si Manilyn, kinailangan din nilang mag-adjust sa serye at dito na nga nila ipinasok si Clarissa.

Produkto si Angel Satsumi ng unang season ng Promil iShine Talent Camp noong 2011. Hindi man siya ang nanalo sa nasabing contest, siya naman ang nabiyayaan ng malaking break at hanggang ngayon ay bahagi ng iconic Kapuso sitcom.

Larawan mula sa Facebook post ni Anne Jelin Sabillo Macaspac

Umabot na ngayon sa 30,000 reactions, 2,000 comments, at 30,000 shares ang post na ito ni Anne Jelin. Maraming fans din ng Pepito Manaloto ang nagpaabot ng kanilang magandang komento tungkol sa show.

Ayon sa kanila, kaya raw patok sa mga manonood ang Pepito Manaloto ay dahil bukod sa magagaling ang cast at nakaaaliw ang programa, marami ding natututunang pagpapahalaga ang mga audience. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit marami na ring awards ang nakukuha ng show.

Loading…