Anghel sa kalsada: Frontliner binigyan ng face mask ang lalaki sa halip na sermunan

Imahe mula sa Facebook | Weng Weng
  • Humanga ang netizens sa isang pulis na bumili ng face mask upang iabot sa isang lalaki na walang suot nito
  • Ayon sa nagbahagi ng video ng tagpong ito, hindi alam ng pulis na nahagip ng CCTV camera ang ginawang kabutihan para sa lalaki
  • Pinuri ng netizens ang hindi pinangalanang frontliner dahil mas pinili raw nitong intindihin at tulungan ang lalaki sa halip na parusahan ito

Napahanga ang netizens sa isang pulis na bumili ng face mask upang ibigay sa lalaki na walang suot nito.

Imahe mula sa Facebook | Weng Weng

Sa Facebook ay ibinahagi ni Weng Weng ang nahagip na tagpo ng kanilang CCTV camera sa pagitan ng isang pulis at lalaki. “Saludo ako nang sobra sa pulis na nahagip ng CCTV namin. Hindi niya alam na naka-record at i-uupload ko,” aniya.

Sa una raw ay nilapitan ng frontliner ang lalaking walang mask at tila sinita ito. Maya maya ay pumunta ito sa tindahan ng uploader upang bumili ng mask saka ito iniabot sa lalaki.

“Philippine’s finest! This is an example of how an officer does his job. Remember they are here first, to serve and protect. Second, they are here to enforce the laws,” ani Weng. “He deserves recognition.”

Dahil sa ginawa ay maraming netizens ang napahanga sa hindi pa nakikilalang pulis na tinawag nilang “anghel sa kalsada.” “Napakabuti mong pulis, sir. Saludo ako sa iyo,” ani Bobby O.

Imahe mula sa Facebook | Weng Weng

“Good job. ‘Yan ang Pinoy! Thank you to your service to the nation and its people. Mabuhay po kayong lahat na mga frontliners,” sabi naman ni Hanz T.

Sabi naman ni Kenneth A., hanga siya sa frontliner na ito dahil kahit mahirap ang kaniyang tungkulin ay hindi pa rin siya nagdalawang isip na tumulong.

“Ganyan dapat. Intindihin muna bago pagalitan. Law enforcer ka pero ‘wag kalilimutan na isa ka ring frontliner sa panahon ngayon ng krisis. ‘Yan ay halimbawa ng pagiging makatao,” ani Juroe L.

Panoorin dito ang video:

Source :

Facebook

Loading…