Ano nga ba ang hugot na mapupulot sa “Wall-nut” ng online game na “Plants vs Zombies”?

  • May hugot ang mga netizens sa “Wall-nuts” ng online game na “Plants vs Zombies”
  • Sila raw ay tila mga taong handang ialay ang kanilang sarili para sa kapakanan ng iba
  • Isang guro naman ang naghambing sa mga Wall-nuts sa mga frontliners na nakikipaglaban sa COVID–19

Isa sa mga kinawilihang online game na hanggang ngayon ay patuloy na dina–download at nilalaro sa mga mobile phones, tablet, desktop at laptop ang “Plants vs Zombies”. Nakaaaliw kasi ang iba’t ibang uri ng halaman at bunga na may iba’t ibang kakayahan at katangian na pumupuksa o proteksyon laban sa mga zombies. Isa na riyan ang “Wall-nut”.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens, lalong–lalo na ang mga avid fans ng Plants vs Zombies, ang isang “meme” na nagpapakita ng hugot sa katangian ng naturang wall-nut sa laro.

Ayon sa Facebook page na “Memes Not Meant for Normies,” maaaring ang Wall-nut ang may pinakamapagkumbabang katangian sa mga halamang nagsisilbing kalaban ng mga zombies. Ang larawan ay ibinahagi naman ni “Justine Mandin”.

Imahe mula sa Facebook page na Memes Not Meant for Normies/Justine Mandin

“He protects. He doesn’t attack. But most importantly, he still smiles even though he’s under attack,” ayon sa memes.

Maihahalintulad umano ang Wall-nut sa mga taong handang isakripisyo ang kanilang mga sarili, kesehodang “maubos” o “masaktan” pa sila para lamang proteksyunan ang kanilang mga mahal. At minsan, ang kanilang ganti ay kabutihan pa, o kaya naman ay matamis na ngiti.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Favorite ko talaga iyang Wall-nut! Tapos hindi ba may malaking Wall-nut pa? Yung matangkad? Nakakaaliw!” sabi ng isa.

Hugot naman ng isa, “Oo nga, parang mga taong kahit sinasaktan na, lumalaban pa rin at ipinagtatanggol ang iba. Malaki ang sinasakripisyo ng mga Wall-nuts haha.”

Isang gurong netizen naman na nagngangalang “Ginoong Richard de Leon” ang naihambing ito sa kasalukuyang krisis na nararanan ng bansa kontra COVID–19. Aniya, ang mga Wall-nuts daw ay ang mga frontliners na direktang sumasagupa sa mga “zombies”, na maaaring maihalintulad naman sa kalabang virus na hindi nakikita.

“Pampawala ng stress dahil sa kache-check ng maraming bagay, napalaro ulit ako ng Plants vs Zombies. Kaaliw pala yung “Wall-nuts” no? They still smile kahit under attack sila ng mga zombies,” ayon sa kaniyang post.

Public Domain Image

Dagdag pa niya, “May mga tao talagang kayang proteksyunan at isakripisyo ang mga buhay nila, alang-alang sa mga mahal nila, kahit nasasaktan na (o sa malas, “nauubos” na sila). Sa kasalukuyang krisis, ang mga Wall-nuts ay mga “frontliners” natin na sumasagupa sa mga kalabang zombies, na maihahalintulad naman sa virus. Kaya sana, patatagin natin ang mga Wall-nuts natin.”

Kaya naman nakikiusap ang mga frontliners sa publiko na huwag sayangin ang kanilang mga sakripisyo, sa pamamagitan ng pagsunod at pagtalima sa mga direktiba ng enhanced community quarantine upang masugpo ang paglaganap ng COVID–19.

Loading…