Antibody test na gawa ng multinational pharmaceutical company ilulunsad sa Mayo

  • Antibody test ilulunsad ng Roche, isang Swiss pharmaceutical company, sa buwan ng Mayo
  • Ang antibody test ay ginagamit upang malaman kung may presensya ng antibody sa immune system sa pamamagitan ng blood samples mula sa isang tao
  • Kapag may nakitang antibody sa blood sample, ang ibig sabihin nito ay na-exposed ang tao sa virus at nakagawa ito ng antibodies laban dito

Inanunsyo ng Swiss pharmaceutical company na Roche na nakagawa ito ng antibody test na plano nitong ilunsad sa darating na buwan ng Mayo.

Imahe mula sa Roche

Ang antibody test, na tinatawag ding serology test, ay ginagamit upang malaman kung may presensya ng “proteins” o antibody sa immune system sa pamamagitan ng blood samples mula sa isang tao.

Kapag may nakitang antibody sa blood sample, ang ibig sabihin nito ay na-expose ang tao sa virus at nakagawa ito ng antibodies laban dito.

Nangangahulugan ito na kahit papaano ay nagkaroon siya ng immunity sa virus bagama’t hindi sigurado ang mga eksperto kung gaano kalakas ang immunity o kung hanggang kailan ito tatagal.

Nitong Biyernes, ika-17 ng Abril, inanunsyo ng Roche ang nagawa nitong Elecsys Anti-SARS-CoV-2 serology test. Ang Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay ang novel coronavirus  na nagsasanhi ng COVID-19.

Made-detect nito ang antibodies sa mga taong na-exposed sa SARS-CoV-2 kahit wala itong ipinakikitang sintomas ng karamdaman.

Imahe mula sa Pixabay

“Antibody testing is central to help identify people who have been infected by the virus, especially those who may have been infected but did not display symptoms,” ayon sa statement ng Roche.

“Once we understand more about the immunity of COVID-19, it could also help society return faster to normality,” ayon pa sa naturang pharmaceutical giant.

Imahe mula sa Roche

Ayon pa sa Roche, nakikipagtulungan ito sa US Food and Drug Administration upang masiguro na makakuha ito ng “Emergency Use Authorization.” Layon ng kumpanya na maging available ang antibody test sa mga bansang kumikilala ng European CE-mark certification.

Target ng Roche na makapag-manufacture ng milyun-milyong Elecsys Anti-SARS-CoV-2 serology test sa buwan ng Hunyo.

Source :

Roche, Tribune

Loading…