Army reservist hinangaan matapos abutan ng libreng mask ang lalaking naglalakad sa kalsada

  • Hinangaan sa social media ang gawain ng isang army reservist na naka-deploy sa Mandaluyong
  • Sa post ng Mandaluyong City DRRMO, ibinida nito ang sundal0 na nagbigay ng libreng mask sa lalaking naispatan niyang naglalakad nang walang proteksiyon laban sa virus
  • Nilinaw rin ng ahensiya na pinagsabihan ng sundalo ang lalaki tungkol sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar

Hinangaan sa social media ang pagpapamalas ng serbisyo na may kasamang “compassion” mula mismo sa isang army reservist na naka-deploy sa Mandaluyong.

Imahe mula sa Mandaluyong City DRRMO | Facebook

Sa post ng Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office sa Facebook noong April 28, ibinida nila ang isang miyembro ng sandatahang lakas matapos nitong magpamalas ng kaniyang serbisyo na may kasamang malasakit sa mga mamamayan.

Ayon sa post, sinita ng army reservist ang isang lalaki na naglalakad sa kalsada sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong dahil wala itong suot na face mask.

Matapos umanong pagsabihan ng sundalo ang lalaki, ay inabutan niya ito ng face mask bilang proteksiyon na rin para sa kaniyang sarili.

“Sinita ng isang army reservist na naka-deploy sa Barangay Addition Hills ang isang lalaki na kamakailan ay nahuling naglalakad sa kalsada na walang suot na face mask,” sabi ng Mandaluyong City DRRMO sa kanilang post.

Pagpapatuloy ng ahensiya, “Pagkatapos ito pagsabihan at bigyan ng babala na kailangan na ang pagsusuot ng face mask sa publiko, ay binigyan ito ng libreng face mask.”

Umani naman ng mga positibong reaksiyon ang ipinamalas na serbisyo ng sundal0.

Marami sa netizens ang nagpamalas ng kanilang pagsaludo sa army reservist lalo na sa ipinamalas nitong tunay na malasakit para sa kababayan.

Imahe mula sa Mandaluyong City DRRMO | Facebook

“Ganiyan ang pulis. Respeto lang rin dapat kahit men in uniform ka pa. Matino naman karamihan kausap, e. Salute!” ani RDR.

“That’s the advantage of deploying a reservist. They are not c0mbat-oriented, mostly are professionals. They will not engage in unnecessary use of force. What we should do now is to help our fellow country man, not to hurt them, and jail them in case of infraction,” pahayag ni NPS.

“This is perfect example of what other personnel in uniform should do. Never resort to vi0lence and practice utmost tolerance and self-restraint. Remember that we are not facing an uprising or lawlessness but a public health crisis,” sabi naman ni DV.

Source :

Facebook

Loading…