Arnold Clavio, pinabulaanan ang balitang nag-break muna siya sa socmed dahil sa nakaraang expose tungkol sa COVID-19 cases

  • Hindi raw matitinag si Arnold Clavio sa pagbibigay ng mga pahayag na maglalahad ng katotohanan
  • Pinabulaanan din niya ang balitang aalis muna siya sa social media kaugnay ng expose tungkol sa C0VID-19 cases
  • Ayon sa journalist, siya raw ay nagsisilbi lamang boses ng mga taong ayaw pakinggan at tuloy daw ang laban para sa katotohanan

Nag-trending ang isang Instagram post ng batikang mamamahayag na si Arnold Clavio tungkol sa diumano’y pagkukubli ng Department of Health (DOH) tungkol sa tunay na kalagayan ng mga nagkaroon ng C0VID-19 sa bansa.

Agad na nakarating ito sa mga kinauukulan at naglabas na rin ng statement ang DOH at ang pagamutan na sinasabing hindi na kinakaya ang napakaraming nabiktima ng C0VID-19. Dahil dito, inulan ng sari-saring reaksyon ang naging expose ni Clavio.

Larawan mula sa Instagram post ni Arnold Clavio

May ilan na pinaniwalaan ang post ni Clavio dahil sa kilalang integridad nito sa larangan ng journalism at isa rin siya sa mga nagpatunay na nangyayari ang VIP testing. May ilan namang binatikos si Clavio at sinabing bago gumawa ng mga paglalahad ay dapat inaaral muna ito at bineberepika ang impormasyon.

Sa katunayan, biktima na rin si Clavio ng propaganda ng mga tr0lls at pinapakalat ngayon ang balitang umalis muna siya sa social media dahil sa kahihiyang natamo dahil sa kanyang nakaraang trending post. Ngunit agad itong pinabulaanan ng GMA reporter at sinabing walang makapipigil sa kanyang maglabas ng katotohanan.

Ayon sa lumalabas na huwad na balita, nag-break daw muna sa social media si Clavio dahil puro lamang daw ito pabida at nawawala na ang integridad bilang isang mamamahayag.

Kinontra naman ito ni Clavio at sinabing pakana lamang ito ng mga taong nabulabog sa kanyang ginawang post kung saan pinag-usapan talaga ng madla at maraming balita ang nakumpirma tulad ng suliranin ng East Avenue Medical Center pagdating sa mga walang buhay na pasyente  sa kanilang pasilidad.

“May nagpadala lang po sa akin at ikinakalat na ang post na ito. Sorry to disappoint po. Hindi ko alam saan mo nakuha ang impormasyong ito. Mas madaling mang-intriga at magtago sa terminong ‘fake news’ kaysa sagutin ang inilatag na mga isyu. Nandito pa ako sa Instagram at walang planong umalis,” bungad ni Clavio sa kanyang post.

Larawan mula sa Instagram post ni Arnold Clavio

Sinabi rin ni Clavio na sana ay huwag siyang tignan bilang kontrabida sa kanyang mga post dahil nais niya lamang maging tagalahad ng katotohanang kailangang malaman ng bayan at maging boses ng mga nilalang na hindi napapakinggan ng mga kinauukulan.

“I hope you don’t see me as antagonist because all I ever wanted was to bring light to the truth. The truth shall set us free. Thank you. Be safe everyone! #labanlang,” pagpapatuloy ni Clavio.

Loading…