Artificial Intelligence ng Singapore hinulaan na sa July 8, 2020 matatapos ang COVID-19 crisis sa Pilipinas

  • Hinulaan ng artificial intelligence na gawa sa Singapore na sa July 8, 2020 ay matatapos na ang COVID-19 crisis sa Pilipinas
  • Ang bilang ng COVID-19 infections ay mababawasan ng 97% sa Mayo 12, 2020; 99% sa May 23, 2020 at 100% nang mawawala sa July 8, 2020
  • Ang prediksyon ay inaasahang magbabago kasabay ng mga pagbabagong nagaganap sa “real-world scenarios”

Hinulaan ng isang artificial intelligence algorithm na na-develop ng isang paaralan sa Singapore na matatapos ang COVID-19 crisis sa Pilipinas sa ika-8 ng Hulyo ngayong taong kasalukuyan.

Imahe mula sa UNTV

Isinaalang-alang ng artificial intelligence mula sa Singapore University of technology and Design (SUTC) sa ginawang prediksyon ang mga datos tulad ng bilang ng COVID-19 cases, pangkalahatang bilang ng mga pasyenteng hindi nakaligtas, bilang ng bagong pasyenteng nasawi at mga datos tungkol sa populasyon.

“By using an A.I. algorithm, SUTD is able to project the infection curve and generate dates on when it believes the virus pandemic will end for a particular country. It breaks down its projection based on a 97, 99, and 100 percent chance,” ayon sa ulat ng Mashable SE Asia.

Batay sa prediksyon ng artificial intelligence para sa Pilipinas na ginawa noong ika-27 ng Abril, ang bilang ng COVID-19 infections ay mababawasan ng 97% sa ika-12 ng Mayo 2020.

Sa ika-23 ng Mayo 2020 ay 99% na ang mababawas at 100% nang mawawala ang COVID-19 sa bansa sa ika-8 ng Hulyo.

Ayon sa SUTD, ang prediksyon ay inaasahang magbabago kasabay ng mga pagbabagong nagaganap sa “real-world scenarios.” Araw-araw umano nilang ina-update ang prediksyon batay sa pinakahuling datos.

Imahe mula sa SUTD

May pasubali o disclaimer ang SUTD. Sabi nito, hindi dapat maging kampante sa ginawang prediksyon ng artificial intelligence algorithm dahil posibleng magluwag sa mga ipinatutupad na kontrol at disiplina na maaaring maging sanhi ng muling paglala ng sitwasyon.

Ganito ang sinasaad ng disclaimer ng SUTD:

“Content from this website is STRICTLY ONLY for educational and research purposes and may contain errors. The model and data are inaccurate to the complex, evolving, and heterogeneous realities of different countries. Predictions are uncertain by nature. Readers must take any predictions with caution. Over-optimism based on some predicted end dates is dangerous because it may loosen our disciplines and controls and cause the turnaround of the virus and infection, and must be avoided.”

Source :

Tribune, SUTD

Loading…