Asim kilig: Batang kumakain ng manggang hilaw, nagpa-good vibes dahil sa asim na asim na facial expression

  • Good vibes ang hatid ng isang bata na satisfied ang cravings sa maasim na manggang hilaw
  • Enjoy na enjoy habang asim na asim ang bata sa nilalantakang prutas
  • Ngunit hindi niya mapigilang sobrang mangasim dahil sa mangga na bakas na bakas sa kanyang mukha

Dahil nasa bahay lang ang marami sa atin ngayon dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ), marami rin sa atin ang nais lang ma-satisfy ng iba’t ibang cravings natin. Mayroong mga nagpapa-deliver ng pagkain mula sa mga sikat na resto, habang ang iba ay kanya-kanyang luto at imbento naman ng pagkain at inumin.

Pero para sa iba, prutas lang ay sapat nang mapunan ang cravings. At dahil panahon ng mangga ngayon, marami na naman sa mga Pilipino ang enjoy na enjoy sa asim kilig na hatid ng prutas na ito, na pinaparesan pa madalas ng bagoon, asin, o patis.

Larawan mula sa Facebook post ni Whilliam Viscocho

Ito rin ang dahilan kung bakit trending ang larawan ng isang batang lalaking na naka-food trip mode at nilalantakan ang kanyang paboritong mangga. Ngunit hindi lang natakam ang netizens sa kinakain nitong mangga kung hindi naaliw na rin ang facial expression ng bata sa tuwing kakain ng prutas na dala.

In-upload ng netizen na si Whilliam Viscocho sa kanyang Facebook post ang mga larawan ng batang lalaki na nakuhanan ang iba’t ibang anggulo ng nararamdamang asim sa kinakaing mangga. Naroon ang tipikal na pagkaasim sa bawat subo. May pagkakataon ding napapanganga ang bata dahil sa sobrang asim.

Pero tuloy pa rin ang bata sa pagsubo kahit naaasiman na. Maraming netizens din ang napakomento at sinabing ganito rin sila kapag kumakain ng mangga. Ito nga raw ang experience na hinahanap mo kapag kakain ka nito.

Dahil dito, agad na nag-viral sa social media ang larawan ng batang nakaka-good vibes ang asim kilig na nararamdaman sa mangga. Mayroon na itong halos 1,000 likes, 300 comments, at 2,200 shares. Marami ang nangasim na sa pagtitig pa lang sa facial expression ng bata.

Larawan mula sa Facebook post ni Whilliam Viscocho

Kanya-kanyang tag din ang mga netizen sa tropa nilang katulad ng bata kapag kumakain ng manggang hilaw. Ang iba naman, bigla ring napa-crave at gustong kumain ng paborito nilang manggang hilaw. May ilang sinabing mamimitas daw sila sa sarili nilang puno.

Realization naman ang naidulot ng bata para sa iba. Ayon sa kanila, sa mga ganitong panahon mo raw talaga mapagtatanto na ang mga simpleng bagay ang tunay na makapagbibigay ng kaligayahan sa atin, lalo na ang pagkain tulad ng maasim na manggang hilaw.

Aminin mo, nag-crave ka rin sa manggang hilaw, ano?

Loading…