Ayudang bigas sa isang senior citizen, tinangay ng kawatan

Imahe mula sa YouTube | GMA News
  • Isang senior citizen mula sa Naga City ang nanakawan ng bigas habang natutulog
  • Ayon sa ulat ng Unang Balita, sinira ng mga kawatan ang padlock sa bahay ni Oscar Guerrero at saka tinangay ang 25 kilong bigas niya mula sa barangay
  • Hiling ng netizens, sana ay maabutan ng ayuda ang mga nangangailangan upang hindi tumaas ang kas0 ng nakawan sa gitna ng kinahaharap na krisis ng bansa

Naghihikahos na nga ay nanakawan pa ng bigas ang isang lolo sa Naga City, Camarines Sur habang siya ay natutulog.

Imahe mula sa YouTube | GMA News

Ayon sa ulat ng Unang Balita, sinira ng mga kawatan ang padlock sa bahay ng 60 anyos na si Oscar Guerrero at natangay nila ang 25 kilong bigas na ibinigay ng barangay sa matanda.

Nagtulungan naman ang mga kawani ng barangay, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National P0lice upang muling maabutan ng tulong si Guerrero.

Ikinagalit ng netizens ang balitang ito dahil sa halip daw na tulungan ang matanda ay ninakawan pa ito. “Kawawa naman yung matanda. Pati ba naman bigas? Pare-pareho naman po tayo na nahihirapan at nagugutom dahil sa krisis na kinahaharap natin. Sana po ‘wag nang gumawa ng masama,” ani Lhan N.

Imahe mula sa Facebook | GMA News

Ang ilan naman, sinabing kapag nagtagal pa ang ECQ ay hindi malabong tumaas ang kas0 ng krimen kagaya ng pagnanakaw upang mapunan ang kumakalam na sikmura nila at ng kanilang pamilya.

“Eventually, ito talaga ang mangyayari sa panahon ngayon kasi wala nang hanapbuhay ang tao. ‘Wag naman sanang lumala pa at magnakawan ng pagkain,” sabi ni Jal A.

Si Jenise O., ikinuwentong maging ang kaniyang mga magulang ay nanakawan na rin ng mga pananim. “Epekto na po ng COVID at taggutom ‘yan kaya nagkakanakawan na. Kahit nga mga tanim ng tatay at nanay ko, ninanakaw na,” pagbabahagi niya.

Hiling ng ilan, sana raw ay makapaghatid ng tulong ang mga local government units sa mga nangangailangan upang hindi na humantong sa ganitong punto. “Mas magkakaroon pa ng l00ting at nakawan pag ‘di nagbigay ng tulong o ayuda mula sa gobyerno,” ani Rogel R.

 

Source :

GMA News, YouTube

Loading…