Babaeng nawalan ng malay sa gilid ng kalsada sa QC, walang naglakas-loob na tumulong

  • Isang babae ang bigla na lang bumagsak sa gilid ng kalsada sa Quezon City
  • Walang nagtangkang tumulong sa babae dahil sa pangambang mayroon itong nakahahawang sakit o COVID-19
  • Isang cameraman na diumano ay mula sa TV5 ang dumating upang kunan ang pangyayari

Isang hindi pa nakikilalang babae ang bigla na lang nawalan ng malay at bumagsak sa gilid ng kalsada sa Quezon City, ngunit walang taong nagtangkang tumulong dahil sa pangambang mayroon itong coronavirus disease.

Screenshot mula sa Facebook video ng Pabatid

Batay sa boses ng isang lalaki na maririnig sa background ng video na ibinahagi sa Facebook, bumagsak ang babae malapit sa Boy Scout Circle sa intersection ng Timog Avenue at Tomas Morato Avenue. Nangingitim na umano ang mga kuko at namumutla ang mga palad ng babae habang nakahandusay sa semento.

Ayon pa sa nagsasalitang lalaki, may dumating naman na mga barangay tanod ngunit hindi naman sila lumapit sa babae. Tumawag raw ng ambulansya ang mga ito.

Makikita sa video na may isang lalaki na nakasuot ng face mask ang lumapit sa babae upang silipin ang mukha nito na natatakpan ng payong. Ayon sa boses na maririnig ay guwardiya iyon sa Mercury Drug store sa lugar.

“Mahirap magkasakit ngayon, walang tutulong sa ‘yo tulad niyan, oh. Bumagsak ka na lahat-lahat walang tutulong sa’yo …walang lalapit kaagad hanggang walang ambulansya,” sabi ng boses sa video.

May cameraman na dumating sa lugar upang makunan ang nangyayari. Sa TV5 daw ang nasabing cameraman.

Screenshot mula sa Facebook video ng Pabatid

Hanggang natapos ang video na tumagal ng halos labindalawang minuto ay wala pa ring ambulansyang dumating para rumesponde sa insidente. Harinawa’y naka-survive si ate.

Source :

Facebook

Loading…