Baguio City, nagtala ng bagong kaso ng COVID-19 matapos ang 13 araw

Imahe mula sa PNA at Baguio LGU
  • Nahinto ang halos dalawang linggong hindi pagtatala ng bagong kas0 ng COVID-19 sa Baguio City
  • Ang bagong kas0 ay isang 46 anyos na babaeng street sweeper mula sa Barangay Dagsian
  • Nagpositibo siya sa rapid test noong April 8 at nakumpirma ito nang lumabas noong April 10 ang ginawang PCR test sa kaniya

Matapos ang halos dalawang linggo ay nakapagtala ng bagong kas0 ng COVID-19 ang Baguio City.

Imahe mula sa Facebook | PIO – City of Baguio

Ito ay isang 46 anyos na babaeng street sweeper mula sa Barangay Dagsian na nagpositibo sa rapid test noong April 8. “Throat swab was done April 9 and the PCR result was released today, confirming her infection,” sabi ng Baguio City Public Information Office sa kanilang opisyal na pahayag.

Unang nakaranas ng sintomas ang babae noong April 3 at nagpa-check up ito noong April 7. Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing sa kaniyang mga nakasalamuha.

“As of today, a total of 154 suspected cases had undergone rapid tests. Five of them had positive results but of these five, four had negative results at the PCR confirmatory test at the Baguio General Hospital and Medical Center,” dagdag pa nila.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Una nang sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na umaasa siyang mapapanatili na nila ang mahigit isang linggong hindi pagtatala ng bagong kaso dahil na rin sa pagsunod sa mga guideline mula sa Department of Health, kagaya na lamang ng social distancing at paggamit ng face mask.

“If we keep this trend in the coming days then the city can claim to have truly flattened the curve or reined in the insidi0us disease. Until then, we should continue holding the line by sustaining our vigilance and not lapsing into complacency,” ani Mayor Magalong.

Dahil sa bagong kas0ng naiulat ay may 15 kumpirmadong kas0 na sa lungsod. Siyam ang naka-recover at isa naman ang pumanaw.

Loading…