Balik-probinsiya program ipursige pagkatapos ng COVID-19 crisis upang ma-decongest ang Metro Manila – Sen. Bong Go

  • Balik-probinsya program iminungkahi ni Senator Bong Go
  • Napapanahon na raw na ma-decongest ang Metro Manila
  • Hinihikayat ng senador ang mga mamumuhunan na mag-negosyo sa mga kanayunan upang magkaroon doon ng development at employment opportunities

Nananawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa national government na mag-alok ng insentibo at ayudang pangkabuhayan sa sinumang residente ng Metro Manila na nagnanais na muling bumalik at manirahan sa probinsya.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

Kailangan umanong maghanda ng isang “Balik-probinsya Program” ang pamahalaan dahil ang pag-decongest ng Metro Manila ay napapanahon na ngayon higit kailanman habang patuloy ang pakikibaka ng bansa na masawata ang coronavirus disease.

“Paghandaan na natin ang ‘new normal’ at isa sa pinaka-importanteng hakbang na dapat nating gawin ay ang paglilipat ng mga tao mula sa mga siyudad papunta sa mga probinsiya,” pahayag ng senador.

“Kailangan talaga i-develop ang iba pang probinsiya para mabawasan ang tao sa Metro Manila. Masyadong masikip dito, mabilis kumalat ang sakit. Masyado ring maraming tao, hirap na hirap tayong maalagaan lahat ng apektado,” dagdag pa niya.

Paliwanag niya, kung patuloy na hahayaan na dumami ang mga taong naninirahan sa Metro Manila ay napakataas ng tsansa na lalo pang kumalat ang coronavirus.

Imahe mula sa FilAmStar

Sa ilalim ng iminumungkahi ni Senator Go na balik-probinsya program, sasagutin ng pamahalaan ang magagastos sa transportasyon ng mga pamilyang papayag na permanenteng manirahan sa mga probinsya at pagkakalooban din ng pangkabuhayang tulong.

Ang mga pamilyang ito ay dapat isailalim sa COVID-19 testing upang masiguro na hindi sila magdadala ng coronavirus sa probinsya.

“Kung hindi natin ito aksyunan agad, hindi matatapos ang problema natin at lalong hindi mararamdaman ang development sa probinsya,” paliwanag ni Sen. Go.

Hinihikayat din ng senador ang mga mamumuhunan na mag-negosyo sa mga kanayunan upang magkaroon doon ng development at employment opportunities.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

Loading…