Balikan: Pahayag noon ng NEDA, kailangang kumita ng P42,000 kada buwan ang isang pamilya upang mamuhay nang maayos

  • Ayon sa pahayag ng NEDA noong 2018, kailangan umano ng P42,000 kada buwan ng isang pamilya upang masabing wala na sa p0verty line
  • Ito ay matapos klaruhin ng NEDA ang una nilang pahayag na P10,000 lang ang kailangan ng pamilyang may limang miyembro
  • Naging viral muli sa social media ang pahayag na ito ng NEDA matapos ang pahayag ng isang ginang na pang-isang linggo lang nila ang P8,000

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang pahayag ng isang ginang mula sa Maynila na pang-isang linggo lang daw nila ang P8,000 ayudang natanggap mula sa social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa maraming netizens, imbes daw na magpasalamat at magtipid, ay umangal pa ang babaeng tumanggap ng tulong.

Naging kontrobersyal man, kung ang nakaraang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagbabatayan, mukhang susuportahan nito ang pahayag ng ginang na pang-isang linggo lamang ang P8,000 para sa isang pamilya.

Larawan mula sa PNA

Noong 2018, nagpataas ng kilay ng marami ang naging pahayag ng NEDA na kailangan lamang ng P10,000 kada buwan upang mamuhay nang maayos ang isang pamilya na may limang miyembro. Ngunit matapos batikusin, agad na kumambyo ang NEDA at sinabing P42,000 ang kailangan ng isang pamilyang may limang miyembro upang matustusan nang maayos ang kanilang pangangailangan.

Agad ring nagbigay ng pahayag ang mga senador, kabilang sina Grace Poe at Win Gatchalian na hindi kapani-paniwalang sampung libo lamang ang kailangan ng mga mamamayan sa isang buwan. Ayon kasi sa inilabas na computation ng NEDA, P3,834 lamang daw ang dapat na budget ng isang pamilya para sa pagkain.

Ngunit sa computation ng mga ekonomista, lalabas na P8 lamang bawat isang miyembro ng pamilya ang dapat ilaan kung susundin ang naging pahayag noon ng NEDA. Kulang na kulang pa raw ito upang makabili ng isang pakete ng instant noodles.

Larawan mula sa PNA

Kung makasasahod raw ng P42,000 ang isang pamilya sa isang buwan, dito pa lamang daw masasabi na sila ay nakaahon na sa tinatawag na p0verty line. Dahil dito, naging maugong noon ang pagbibigay ng umento sa sahod ng mga manggagawa dahil napakalayo sa ‘decent salary’ ang nakukuha ng maraming manggagawa ngayon.

Sa panahong nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Luzon, maraming mga kababayan natin ang hindi nakapagtatrabaho. Marami din ang umaasa sa mga ayuda ng pamahalaan na karamihan ay hindi pa nakatatanggap ng tulong.

Loading…