Balikan: Sikat na television commercial ng Arthro kung saan ‘paatras’ maglakad ang lalaki, kinatuwaan noon

  • Sumikat noon nang husto ang isang TVC para sa may mga rayuma
  • Tumatak kasi sa mga manonood ang lalaking nakalakad nga, pero paatras naman daw
  • Maraming kabataan ang gumagaya noon sa lalaking nasa commercial bilang katuwaan

Hindi lamang ang mga programa sa telebisyon ang kinatutuwaan ng mga manonood. Maraming television commercials (TVC) din ang tumatak sa mga viewers na naging iconic pa at naging daan din upang mas makilala ang produkto.

Isa sa mga naging iconic TVC na kinatuwaan ng mga manonood noong late 2000s ay ang commercial ng food supplement na Arthro. Ang produktong ito ay para sa mga may karamdaman sa kasu-kasuan o nakararanas ng arthritis.

Larawan mula sa video ng Arginel Pinoy Ad Productions

Sa unang mga segundo ng maikling television ad, makikitang wala namang espesyal dito. Isang testamento ng Arthro user na si Rodolfo Victoria na noon ay 69-anyos ang mapapanood. Ngunit bago matapos ang ad, ibinida ng dating hirap sa paglalakad na si Mang Rodolfo ang kanyang paggaling at ngayon ay nakalalakad na.

Ngunit dahil sa tuwa at pagmamalaki ng matanda, lumakad ito ng patalikod na naging tampulan ng asaran at katuwaan ng mga kabataan at manonood noon. Naging sikat na joke noon na kapag daw uminom ka ng Arthro ay gagaling nga ang rayuma mo, pero magiging paatras naman daw ang lakad mo.

Dahil sa kasikatan ng unang Arthro commercial ni Mang Rodolfo, nasundan ang mistulan niyang big break ng isa pang TVC sa ilalim ng parehong brand. Nakasama niya ang reporter na si Marc Logan kung saan sinusundan pa rin ang mas masigla na ngayong si Mang Rodolfo.

Ang pun ng nasabing follow-up TVC, ngayon ay paabante na ang paglalakad at kaya na rin ang mag-jogging at gumawa ng ibang physical activities. Pero nang kapanayamin ni Marc si Mang Rodolfo, baligtad naman itong magsalita.

Larawan mula sa video ng Arginel Pinoy Ad Productions

Sa isang Facebook group na may pangalang Ang Dekada 2000’s, sinariwa ng mga kabataan noon kung paano nila ginagaya ang pamosong linya at moves ni Mang Rodolfo. Kabisado raw nila noon ang linya ng matanda na binibigkas nila habang lumalakad sila nang paatras.

“Tanda ko ginagaya pa ‘yan nung iba kong mga kaklase nung elementary naglalakad ng paatras sa classroom sabay sabing ‘ang lakas ko’ haha,” pagsariwa ng isang netizen.

Panoorin ang iconic TVC ni Mang Rodolfo at tunghayan ang paatras niyang lakad:

Tunghayan din ang harapan nina Marc Logan at Mang Rodolfo:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…