“Bangayan” ng magkatrabaho dahil sa nawawalang tsokolate, HR na ang namagitan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang “bangayan” ng dalawang magkatrabaho dahil sa nawawalang tsokolate sa refrigerator ng opisina
  • Nagpapalitan sila ng kanilang mga alitan sa pamamagitan ng printed materials
  • Namagitan na ang Human Resources dahil sa inaaksaya nilang printer ink at bond paper na para lamang sa office consumption

Tiyak na marami sa atin ang namimiss na ang mesa sa opisina, o kaya naman ay hinahanap–hanap na ang tsismisan at kulitan sa mga katrabaho kapag break dahil sa mahaba–haba na ring panahon ng enhanced community quarantine. At marahil, namimiss mo na rin pati na ang mga dati mong kinaiinisan, gaya ng palihim na pagkuha ng katrabaho mo sa mga pagkain mo sa refrigerator na nasa loob ng pantry.

Tulad na lamang ng Facebook post na makikita sa page na “Y So Serious” kung saan makikita ang nakatutuwang “bangayan” o palitan ng maaanghang na salita ng dalawang magkatrabaho dahil sa nawawalang tsokolate. Idinaan nila ang kanilang sagutan sa pamamagitan ng mga nakaimprentang mensahe sa bond paper, na malamang ay suplay nila sa opisina.

Imahe mula sa Facebook page na Y So Serious

Nagsimula ito sa empleyadong nagmamay–ari umano ng nawawalang tsokolate. Nag–iwan siya ng mensahe sa refrigerator para sa katrabahong kumuha nito. Aniya, “To the person who has been stealing my chocolates, I don’t know your name, but you’ve been stealing my chocolates from the fridge, this is absurd! Grow up and stop stealing other’s property.

Makalipas lamang ang ilang araw, may tumugon sa naturang mensahe, na hindi naman nagpakilala. Idinikit pa ito sa ibabaw ng papel na naglalaman ng “pagbabanta” ng nawawalan ng tsokolate. Nakasaad dito, “Dear chocolate owner, Your chocolate is safe. I like dark chocolates but you always get milk chocolates. If you want it back, put a dark chocolate in the fridge!

Hanggang sa nagkasagutan na nga ang dalawa. Nagpatong–patong na ang kanilang mga papel sa refrigerator. Hanggang sa isang araw, isang panibagong papel ang nagpahinto sa bangayan nila. Mula na pala ito sa opisina ng HR o Human Resources.

Nakalagay sa papel na, “We checked the office’s printer queue and traced the request back to your desk. Could you please come to see me at your earliest convenience?” At ang huling tugon ng nangunguha ng tsokolate, “Please don’t fire me!”

Imahe mula sa Facebook page na Y So Serious

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Dear HR, please remove the refrigerator. Tell your staff, stop using the office printer and bond paper for non–official business use. Create a messenger instead. Don’t steal food of other employees. There are food for all, there are food for personal consumption.”

“I should’ve done this. My drink’s always gone when I put it in the fridge. And my Ice cream too,” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “This sounds familiar. Hahaha. So unprofessional! You both are office workers, not high school students. This should not be tolerated by HR.”

Ikaw, sino ka sa dalawa: ang nakukuhanan o ang nangunguha? lol

Loading…