Barangay Chairman sa QC nagdaos ng parada sa gitna ng enhanced community quarantine

  • Chairman ng Barangay Libis sa Quezon City nagsagawa ng parada sa gitna ng ECQ
  • Nais ng mga netizens na parusahan ang chairman sa ginawa upang maipakita na sersyoso ang pamahalaan sa ipinatutupad na mga restriksyon sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Ikinatwiran ng chairman na ginawa nila ang parada dahil sa panawagan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na bigyang-pugay ang mga frontliners sa Araw ng Kagitingan

Marami ang nagalit sa ginawa ng isang barangay chairman sa Quezon City nang pangunahan  nito ang isang parada na layunin umanong bigyan ng parangal ang mga frontliners laban sa COVID-19.

Screenshot mula sa video ni Dave Ocampo via Facebook

Ang panawagan ng mga netizens ay panagutin sa batas ang chairman ng Barangay Libis sa Quezon City na kinilalang si Leny Glivano upang maipakita umano ng mga awtoridad na seryoso ang pamahalaan sa mga ipinatutupad na restriksyon upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Makikita sa video na ibinahagi ng natizen na si Dave Ocampo sa social media na nagsagawa ng parada ang naturang barangay na pinangunahan ni chairman Glivano na nakita pang kumakaway sa mga residente.

“Kapitana, may paparada ka pa. Ano ito tapos na ba ang Quarantine? Natalo na ba natin ang Covid-19? Oo, modern heroes natin ang mga frontliners pero kailangan kayo pumarada at lumabas ang mga madlang pipol sa kanilang bahay?? ‘Di ba stay at home? Me paparty ka pa sa kalye! Nag-iisip po ba kayo?” saad ni Dave Ocampo sa kanyang Facebook post.

Makikita sa video ang maraming kalahok sa parada. May kasama pa silang banda at mayroon pang dance number sa kalsada na pinanood ng maraming residente na naglabasan pa sa kanilang mga tahanan.

Screenshots mula sa video ni Dave Ocampo via Facebook

Sa isang panayam ay ipinaliwanag ni kapitana Glivano kung bakit sila nagsagawa ng parada. Aniya, kung hindi raw nanawagan si Cabinet Secretary Karlo Nograles na bigyang-pugay ang mga COVID-19 frontliners sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ay hindi naman niya maiisip na gawin ang parada.

“Kung wala naman siyang panawagan na gano’n hindi ko na para maisip yun, eh,” paliwanag ng kapitana.

Screenshot mula sa video ng GMA

Samantala, nagpadala ng show cause order si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Chairman Glivano upang pagpaliwanagin ito sa ginawa.

“In an order dated April 11, Belmonte asked Glivano to explain within 24 hours from receipt of the order why she should not be punished for her action. Belmonte said holding a parade was a violation of the strict prohibition against mass gatherings implemented by both national and local governments to combat the spread of COVID-19,” bahagi ng statement ng Quezon City government.

Loading…