Barangay officials, tanod dapat mabigyan ng mga benepisyong nakalaan para sa mga frontliners

  • Iminungkahi ni Rep. Salceda na bigyan ng “frontliner status” ang mga barangay officials at mga tanod
  • Ito ay upang mabigyan sila ng mga benepisyong nararapat para sa mga frontliners sa ilalim ng COVID-19 emergency subsidy program
  • Nanawagan din si Rep. Salceda na siguruhing pantay-pantay na mabibigyan ng financial assistance ang mga low-income families sa ilalim ng nasabing programa

Iminumungkahi ni Albay Representative Joey Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na lawakan ang nasasakop ng Covid-19 emergency subsidy program  upang mabigyan ng “frontline status” ang mga barangay officials at tanod.

Imahe mula sa Barangay Reporter

Ito ay upang mabigyan sila ng mga benepisyong nakalaan para sa mga frontliners na nakikibaka sa health crisis.

“The emerging reality is that barangay officials and workers including tanods are performing frontline work, and it appears they will perform more of that during the subsidy distribution. They are the ones tending to the boat at what could be the most important level of the ECQ, the community,” paliwanag ng mambabatas.

Hiniling din ni Rep. Salceda sa Pangulo at sa IATF-EID na dapat masiguro na pantay-pantay na mabibigyan ng financial assistance ang mga low-income families. Napag-alaman ng mambabatas na maraming ginawang listahan ang pamahalaan kung saan ang mga miyembro ng isang pamilya ay kasali sa iba’t ibang listahan kaya nagkakaroon ng duplication.

“When one family gets more than what it has to get, another family gets less or none. It potentially deprives the underserved and unlisted informal sector,” anang Bicolano lawmaker.

Imahe mula kay Rep. Joey Salceda

Dahil sa nangyayaring duplikasyon ng  listahan ay nakokompromiso umano ang ginagawang quarantine protocols. Ani Salceda, ang mga taong hindi mabibigyan ng tulong ay tiyak na maglalabasan upang humanap ng paraan para mabuhay. Posible silang maging carrier at magkalat ng virus.

Source :

Inquirer, Tribune

Loading…