Barbero tuloy ang panggugupit sa gitna ng COVID-19 pandemic gamit ang improvised protective gear

  • Barbero sa Indonesia nakaisip ng paraan upang maipagpatuloy ang hanapbuhay sa kabila ng lockdown dahil sa COVID-19
  • Gumawa ng improvised protective equipment ang barbero bilang proteksyon sa sarili at customer
  • Ini-spray-an din niya ng sanitizer ang mga customer at sarili niya bago manggupit

Tuloy pa rin ang paghahanapbuhay ng isang barbero sa Indonesia sa kabila ng umiiral na lockdown dahil nakaisip siya ng paraan upang protektahan ang sarili at mga customer sa coronavirus.

Screenshot mula sa video ng C-News

Gamit ang mga lumang plastic na pinagdikit-dikit ng packing tape, ski goggles, face shield, gas mask at gloves ay nakagawa ang 40-anyos na barberong si Herman Maulanasyah, ng Bogor, Jakarta, ng improvised personal protective gear upang matiyak na hindi makakalusot ang mikrobyo.

Sabi ni Herman, ginawa niya iyon hindi upang maging katawa-tawa. Iyon daw ang paraan niya upang ipakita ang appreciation sa mga health workers na nakikipaglaban sa virus.

“Please don’t judge, I’m not making it for fun or to look ridiculous, this is how I show my appreciation to the health workers,” sabi ni Maulanasyah sa sariling wika.

Bilang karagdagang pag-iingat, bago simulan ang panggugupit ay ini-spray-an niya ng sanitizer ang customer at ang kanyang protective gear. Para na rin umano sa kaligtasan iyon ng pamilya niya.

Screenshot mula sa video ng C-News

“This is to protect myself because I have a family, my child and wife, therefore I need to ensure my safety at work because I don’t know whether the people who come here are infected or not,” ani Herman na 15 years na sa pagiging barbero.

Nilimitahan niya rin sa hanggang apat na customer lang ang maaaring pumasok sa barber shop at dapat ay may social distancing.

Sabi niya, dahil sa lockdown ay humina ang kita niya. Noon ay umaabot sa 500,000 ($31) rupiah kada araw ang kinikita, ngunit ngayon ay 100,000 ($6.20) rupiah na lang.

Screenshot mula sa video ng C-News

Loading…