Batang nag-aabot ng tulong bilang pagdiriwang ng kaarawan, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | GMA News
  • Nakatanggap ng libu-libong pagbati ang isang batang nagdiwang ng kaniyang ika-12 kaarawan
  • Sa halip kasi na maghanda ay ibinigay niya ang kaniyang naipon sa kaniyang mga magulang upang makapagluto ng spaghetti at macaroni salad na ipinamahagi niya sa mga frontliners
  • Umani rin ng papuri ang kaniyang mga magulang dahil naging magandang ehemplo raw ang mga ito para sa kanilang anak

Inulan ng pagbati sa social media ang isang batang lalaking nagdiwang ng kaniyang ika-12 kaarawan sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain sa mga frontliner sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Imahe mula sa Facebook | GMA News

Ayon sa GMA News, kusang loob na ibinigay ni Jurdan Bacasmas ang kaniyang ipon sa mga magulang upang ipambili ito ng handa na ibibigay sa mga frontliner na nagbabantay ng checkpoint sa kanilang lugar.

Sa tulong ng kaniyang inang si Diana Bacasamas ay nakapagluto siya ng spaghetti at macaroni salad na pinagsaluhan ng mga magigiting na pulis.

Pinuri ng netizens si Jurdan dahil sa murang edad nito ay naisip niyang tulungan at pasalamatan ang mga nagsisilbi sa bayan.

“Salamat sa iyong malasakit sa frontliners. God bless you always,” ani Marites L.  “Sana dumami pa ang mga batang katulad mo. Tularan ka sana ng iba na marunong mag-share ng blessing,” sabi naman ni Maricris L.

Imahe mula sa Facebook | GMA News

Samantala, ang ibang netizens ay humanga rin sa mga magulang ni Jurdan dahil naging magandang ehemplo raw ang mga ito sa bata.

“Happy birthday. Saludo ako sa iyo dahil napakabait mong bata. Sana tularan ka ng maraming bata. Salamat sa parents niya, dahil sa kabutihan nila na nakikita ng bata ay iyon ang itinanim niya sa kaniyang isipan,” sabi ni Florida L.

Sa comment section ng ibinahaging balita ng GMA News ay pinasalamatan ni Jurdan ang mga bumati sa kaniyang kaarawan. “Salamat po sa lahat ng suporta ninyo at greetings. We heal as one. Thank you!”

Happy birthday, Jurdan! Salamat sa iyong kabutihan.

Source :

Facebook

Loading…