“Battle Hopper” ni Masked Rider Black, sinariwa ng isang netizen

  • Sinariwa ng isang netizen ang alaala ng kaniyang kabataan noong 90’s
  • Ipinakita niya ang larawan ni “Battle Hopper” na motorsiklo ni “Masked Rider Black”
  • Si Masked Rider Black ay Japanese superhero

Dahil sa kawalan ng magagawa sa panahon ng pagpapalawig ng enhanced community quarantine, lalong nauuso ngayon sa social media ang “pagbabalik sa nakaraan” o throwback sa mga dating bagay na kinagiliwan ng mga tao; ito man ay tao, kasangkapan, pook, pangyayari, laro, at iba pang mga bagay na kinatutuwaan noon.

Isang netizen na mukhang “laking 90’s” ang nagbahagi ng isang Facebook post hinggil sa isang “sikat na motorsiklo” na makikita sa isang sikat na show noon sa mga bata. Ito ay may pangalang “Battle Hopper”. Makikita ang mga larawang ibinahagi ni Jakeedlynyuri Sison sa Facebook page na “We are 90’s (Kami ang batang 90’s).

Imahe mula sa Facebook page na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s)

Ayon sa kaniyang caption, “Picture is not mine. This picture taken from Japan. Heto na nga pala si Battle Hopper ngayon, sana puwede man lang siya ipa-auction sa batang 90’s, sigurado may bibili.”

Ang tinutukoy na “Battle Hopper” ay ang motorsiklo na pagmamay–ari ni “Masked Rider Black”, sikat na Japanese superhero na patok na patok sa mga batang 90’s.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Pangarap na motor ng mga batang 90’s yang si Battle Hopper ni Masked Rider Black. Sana naka–preserve pa iyan, sayang naman kung masisira.”

“Ako lang ba nakakarinig ng opening theme habang tinitingnan yung picture?” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Vintage item that may protect and preserved. Only 90’s kids know the Masked Rider Black and Battle Hopper.”

Imahe mula sa Facebook page na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s)/Public Domain Image

Ang Masked Rider Black ay isang superhero–drama television series mula sa bansang Japan. Ito ay ipinalabas sa Pilipinas twuing Linggo noong 1993 hanggang 1998 na inere sa tv network na IBC-13, isa sa mga highest rated TV shows ng mga panahong iyon,  na isinalin sa wikang Filipino sa pamamagitan ng dubbing.

Loading…