Be safe! Ilang mga jeep sa Baguio, naglagay ng divider sa loob nito para sa mga pasahero

  • May bagong disenyo sa loob ang mga jeep sa Baguio City
  • Nilagyan nila ang mga upuan ng divider upang masunod pa rin ang social o physical distancing
  • Paraan din ito upang malaman kung ilan na ang pasahero sa loob nito

Matapos alisin ang enhanced community quarantine sa ibang mga lalawigan sa Luzon na mababa o walang kaso ng COVID–19, ilan sa mga lalawigan ang unti–unti nang bumalik sa normal, subalit sinusunod pa rin ang social o physical distancing.  Isa na riyan ang Baguio City.

Ayon sa ulat ng ABS–CBN News,  sa muling pagbabalik sa pamamasada ng ilang mga tsuper sa Baguio City, kapansin–pansin ang upgraded na disenyo ng loob ng kanilang mga jeep. Makikitang naglagay sila ng mga divider sa upuan ng mga pasahero upang masunod pa rin ang social o physical distancing.

Imahe mula sa Facebook page ng ABS–CBN News

Batay sa panayam sa isa sa mga naging pasahero, “It gave me the sense of comfort and safety. Made me appreciate the effort of the jeepney owner and the driver in making sure their passengers are kept secure.”

Batay naman sa isa sa mga nagdisenyo at naglagay ng plastic partition na si Gideon Amino, napagplanuhan nila ang ganitong disenyo upang madali rin nilang malaman kung ilan na ba ang pasahero ng kanilang jeep,  bilang pagtalima na rin sa patakaran na kalahati lamang sa kapasidad ng sasakyan ang maaaring isakay.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Thank you for being considerate, protective and caring to your passengers and others. God bless you. Can this be replicated around the country? I sure hope so,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Dapat upgrade din ang pamasahe kasi kawawa naman ang mga namamasada. Konti lang ang capacity ng jeep.

“It’s a great idea. Hope other jeepney owners and drivers adopt this methods for passengers safety and the driver as well…  this is what they say, ‘Kapag gusto madaming paraan’. Keep safe everyone!” pahayag naman ng isa.

Isang netizen naman na naninirahan sa United Arab Emirates ang nagbigay ng mungkahi. Aniya, “Dapat lagyan ng sticker sign ang mga public transport sa Pilipinas tulad dito sa UAE kung saan pwede upuan at hindi.”

Imahe mula sa Facebook page ng ABS CBN News

Isa ang Baguio City sa mga lugar sa Pilipinas na mababa ang kaso ng COVID–19 dahil na rin sa pagsunod ng mga residente rito sa mga direktiba ng ECQ.

Loading…