Bela Padilla, sinagot ang netizen na nagtanong kung saan napunta ang P3M donations

  • Maayos na sinagot ng aktres na si Bela Padilla ang isang netizen na sarkastikong nagtanong kung saan napunta ang 3 milyong pisong donasyon ng iba’t ibang tao para sa inilunsad niyang “Pagkain Para sa Pinoy”
  • Isa itong online fund raising na naglalayong mapakain at mabigyan ng food packs ang mga naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil hindi makapagtrabaho
  • Ipinagtanggol naman ang aktres ng kaniyang mga followers

Simula nang maipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, isa ang aktres na si Bela Padilla sa mga nagkaroon ng inisyatiba upang makatulong sa mga apektadong kababayan sa pamamagitan ng online fund raising noong Marso 15, na umabot naman ng 3. 3 milyong piso cash donations, hindi pa man lumilipas ang tatlong araw.

Naging transparent naman ang aktres sa pamamahagi niya ng mga relief packs sa pamamagitan ng kaniyang mga social media accounts. Binibigyan din nila ng biyaya ang mga nakatira sa lansangan, at maging ang mga frontliners na nadadaanan nila sa mga checkpoints.

Sa isa sa mga Instagram post ni Bela, tinanong siya ng isang netizen: “Ano na kaya nangyari sa 3M donation?”

Imahe mula sa Instagram account ni Bela Padilla

Agad naman itong tinugunan ni Bela, “Everything was already donated and distributed. Please check my highlights for your reference.”

Subalit humirit pa ng tanong ang netizen at tila hindi nasiyahan, o nang–aasar lang kay Bela. “3M na yun?” aniya. Maayos naman itong sinagot ng aktres na “Yup, last donations went out last Friday.”

Ipinagtanggol naman ng mga followers si Bela laban sa naturang mapangahas na netizen.

Sabi ng isa, “Don’t be so rude please? What have you done for others? Ang nagiging transparent sila lalo na sa mga nag–donate. Please spread good vibes instead. We don’t need people like you in times like this.”

“Report mo sa pulis kung hindi ka satisfied sa ginawa ni Bela sa 3M. Why so doubtful kasi? Buti nga nakatulong si Bela, ako hindi pa nakatulong,” turan naman ng isa.

Sa isa pang Instagram post, ipinaliwanag ni Bela ang background kaugnay sa  tatlong milyong pisong donasyon.

Ayon sa caption, “I won’t reply to anybody about this anymore after this post. There are more people who need help, and I will focus my energy only to them or myself.”

Imahe mula sa Instagram account ni Bela Padilla

Napakalinaw. “The 2 million donated by ONE PERSON hasn’t arrived yet. But the food I bought for the two days of donations was worth around 2.5M. Also, the 1.3M hasn’t been released by Paypal yet. So right now, it’s all my money that went out”  🙂

Nilayon ng 28-anyos na aktres na magbigay ng pagkain sa pamilya ng mga nagtitinda at iba pang “informal workers” na hindi nakakapagtrabaho dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine. Isang milyong piso lamang ang initial target ni Bela para sa kaniyang proyekto na tinawag niyang “Pagkain Para sa Pinoy” subalit umabot nga ito ng 3 milyong piso.

Loading…