Betong Sumaya emosyonal dahil ‘di kapiling ang pamilya ngayong quarantine

Imahe mula sa GMA
  • Naging emosyonal ang komedyanteng si Betong Sumaya nang tanungin kung ano ang una niyang gagawin kapag na-lift na ang enhanced community quarantine
  • Agad niya raw pupuntahan ang kaniyang pamilya na hindi niya kapiling ngayon
  • Sa kabila ng pangungulila sa kaniyang mga mahal sa buhay ay nagpapasalamat pa rin daw si Betong sa mga biyayang mayroon siya ngayon

Hindi naiwasan ng Kapus0ng komedyante na si Betong Sumaya na mapaluha nang tanungin siya kung ano ang una niyang gagawin kapag natapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ngayon.

Imahe mula sa GMA

Ani Betong sa isang panayam sa GMA, pupuntahan niya agad ang kaniyang pamilya dahil ngayon ay mag-isa lamang siya. “Unang unang gagawin ko is puntahan ko family ko. Grabe sobra ko na talaga silang miss,” aniya.

Madalas naman daw niyang makausap ang mga ito sa pamamagitan ng FaceTime ngunit iba pa rin kapag personal niya silang kasama. “Dito mo mare-realize kasi kung gaano ka-importante yung pamilya mo and siguro kaya ako ganito ka-emosyonal kasi mag-isa lang ako,” pag-amin niya.

Gusto niya na rin daw na muling makalaro ang kaniyang mga pamangkin. Noong wala pang COVID ay nakaka-bonding niya raw ang mga ito dalawang beses sa isang buwan. “Bibilhan ko sila ng toys dahil ang tagal naming hindi nagkita,” pangako niya.

Imahe mula sa Instagram | Betong Sumaya

Dagdag pa ni Betong, batid niya na kahit na ma-lift na ang ECQ at makapunta siya sa kaniyang pamilya ay hindi niya agad mayayakap at mahahalikan ang mga ito bilang pag-iingat sa virus.

“Sometimes, naiisip ko na nakakatakot ding gawin yun agad unless mag-test tayo kasi lahat tayo possible carrier ng COVID pero asymptomatic.”

Gayunpaman ay nagpapasalamat daw siya sa mga biyaya na mayroon siya ngayon. “Sobrang hirap ng adjustment pero thankful pa rin ako kasi blessed ako. May pagkain ako at may maayos akong place,” ani Betong.

Source :

GMA , YouTube

Loading…