Bianca Manalo, may sweet na mensahe sa nobyong si Sen. Win Gatchalian

Imahe mula sa Instagram | Bianca Manalo
  • Sa gitna ng pagiging abala sa kaniyang mga tungkulin, pinaalalahanan ni Bianca Manalo ang nobyo na si Sen. Win Gatchalian na mag-relax din
  • Matapos na sumailalim sa 14 na araw na self quarantine nang ma-expose sa isang COVID positive ay naging aktibo ang senador sa pagtulong sa Valenzuela kung saan alkalde ang kapatid niyang si Rex Gatchalian
  • Sa pinakabagong post ng senador ay sinabi niyang nakipagpulong siya sa Department of Education patungkol sa petsa ng pagsisimula ng klase

Pinaalalahanan ni Miss Universe Philippines 2009 Bianca Manalo ang nobyong si Sen. Win Gatchalian na mag-relax din sa kabila ng pagiging abala nito sa pagganap sa mga tungkulin niya sa gitna ng COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | Bianca Manalo

Kalakip nito ang larawan ng senador habang nakikipagpulong sa Department of Education tungkol sa petsa ng pagsisimula ng klase sa pamamagitan ng video call. “To my very hardworking senator, relax; you and your brothers did a great job,” ani Bianca.

Sinamahan din niya ito ng hashtag na Valenzuela City kung saan mayor naman ang kapatid ng senador na si Rex Gatchalian.

Matatandaang sumailalim sa 14 araw na self-quarantine ang senador matapos na may magpositibo na resource person sa hearing kung saan siya ang chair. Maging si Bianca ay sumailalim din sa quarantine.

Imahe mula sa Instagram | Win Gatchalian

“Hello, everyone. As soon as I heard the news yesterday, I have decided to do a self-quarantine until I get tested,” sabi noon ng beauty queen turned actress.

March 17 nang sabihin ni Sen. Gatchalian na tapos na ang kaniyang self isolation at babalik na siya sa trabaho.

“Time to make sure our constituents in Valenzuela and the country have food to eat and well protected from the virus,” saad niya sa caption ng kaniyang post.

Simula noon ay aktibo na siyang tumutulong sa pamamahagi ng tulong sa Valenzuela. Hindi niya rin nakalilimutang pasalamatan ang mga frontliner sa lungsod. “Saludo po ako sa mga barangay officials at mga tanod natin. Kahit na gabi-gabi na pupuyat, nandiyan pa rin sila alang-alang sa paglaban sa virus!”

Loading…