Bigtime mag-tita: Tingnan ang lumang larawan ng mag-tiyahing sina Eula Valdez, Paolo Ballesteros

  • Mag-tita pala ang mga kilalang showbiz personalities na sina Paolo Ballesteros at Eula Valdez
  • Magpinsan si Eula at ang ama ni Paolo at kamag-anak din nila ang kilalang artist na si Fernando Amorsolo
  • Nag-post pa nga si Paolo ng lumang larawan nilang mag-tita na ninang din pala niya

Sabi nila, ang pag-aartista raw ay nasa dug0 na talaga ng isang tao. Kaya naman hindi nakapagtatakang maraming magkakamag-anak sa showbiz ang talaga namang namamayagpag sa kanilang karera. Ang ilan ay hayagang sinasabing magkaano-ano sila, habang ang ilan naman ay nagugulat na lamang ang fans dahil related pala ang mga paborito nilang artista.

Isa sa mga hindi inaasahan ng fans na magkaanak pala ay ang beteranang aktres na si Eula Valdez at ang king of transformation at komedyanteng si Paolo Ballesteros. Sa isang Instagram post, sinabi ni Paolo na tita niya at ninang din si Eula kalakip ang kanilang lumang larawan sa Cabanatuan, Nueva Ecija kung saan lumaki si Paolo.

Larawan mula sa Instagram post ni Paolo Ballesteros

“Thr0wback with my tita ninang Eula Valdez in Cabantuan. Thanks for the pic, labyu! #KulotPaMore #siMatet…. Lamna agad ang hawak-hawak,” saad ni Paolo sa nasabing post.

Maliban sa larawang nai-post ni Paolo, trending rin sa social media ang isa pang larawan nilang kuha noong 1993 kung saan mas malaki na si Paolo habang yakap pa rin ng kanyang tiyahing si Eula na isa nang ganap na artista noon.

Naging magkaanak sina Eula at Paolo dahil pinsan ng tatay ni Paolo ang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Amor Powers. At sina Eula at ang ama ni Paolo ay kaanak naman ng renowned Filipino artist na si Fernando Amorsolo.

Ito rin ang dahilan kung bakit nananalaytay kina Eula at Paolo ang husay sa larangan ng sining. Maliban kasi sa magaling silang mga aktor, may talento din ang bigtime na magtita sa pagpipinta. Bago pa nga raw sumikat si Paolo sa makeup transformation ay mahilig na itong magpinta.

Larawan mula sa post ni Irish Charles

Inilahad rin ni Paolo sa isang panayam na ang kanyang Tita Eula ay mahilig din magpinta. Pero sinabi ni Eula na mas magaling ang pamangking si Paolo lalo na ngayong ang canvas daw nito ay ang kanyang mukha na nakakukuha naman ng atensiyon ng netizens sa buong mundo.

Sa ngayon ay nasa magkabilang bakuran sina Paolo at Eula. Isang loyal Dabarkads si Paolo habang abala naman si Eula sa paggawa ng mga teleserye sa Kapamilya Network. Ngunit umaasa ang mga fans nila na mabibigyan sila ng pagkakataon na makagawa ng isang proyekto.

Loading…