Birthday party, “quarantine” at “checkpoint” ang tema

  • Hindi napigilan ng COVID–19 ang isang birthday party
  • “Quarantine” at “checkpoint” kasi ang naging tema nito
  • Namigay rin sila ng ilang mga food packs sa security guard at tanod na malapit sa kanilang lugar, dahil wala naman silang ibang bisita

Isa sa mga pinakamahahalagang pagdiriwang sa buhay ng isang tao ang araw ng pagkakasilang sa kaniya sa daigdig. Magarbo man o payak ang handa, iniraraos ito ng sinuman basta’t kasama lamang sa araw na iyon ang mahahalagang tao gaya ng pamilya, kaanak, kaibigan, katrabaho, at iba pa.

Kaya naman, hindi napigilan ng COVID–19 ang unang pagdiriwang ng kaarawan ng anak na lalaki ng isang inang  nagngangalang “Czhinney Lew-Anne David” mula sa mula sa Carangian, Tarlac City. Batay sa mga larawang kalakip ng kaniyang Facebook post, ginawa niyang tema ng pagdiriwang ang “quarantine” at “checkpoint”.

Imahe mula sa Facebook page na Bayan Mo Ipatrol Mo / Czhinney Lew-Anne David

Salaysay niya, sa isang fast food chain sana idaraos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Cairo subalit hindi na nga ito natuloy dahil sa enhanced community quarantine. Kahit na ganoon, “tuloy pa rin ang ligaya”. Pinalamutian niya ang party na nagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon na may mga checkpoint sa kalye at ipinatutupad ang quarantine.

Bukod dito, namigay rin sila ng ilang mga food packs sa security guard at tanod na malapit sa kanilang lugar, dahil wala naman silang ibang bisita dahil mahigpit itong ipinagbabawal upang masunod ang social distancing.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow so creative naman birthday party decor ninyo. Simple but cute. Happy 1st bday Cairo, enjoy and God bless,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Cute naman ng theme! Happy birthday Baby Cairo, dito ka na lang bumawi sa social media maraming babati sa kaarawan mo, memorable day ang first birthday mo. Take care and God bless you.”

Ayon pa kay David, hiling niya na maging positibo lamang ang lahat sa buhay dahil malalampasan din natin ito.

Imahe mula sa Facebook page na Bayan Mo Ipatrol Mo / Czhinney Lew-Anne David
Source :

Facebook

Loading…