Brgy. Ginebra player na si Scottie Thompson, ipinasilip ang kanyang bagong ipinagawang bahay

  • Ipinakita ni Brgy. Ginebra player Scottie Thompson ang kanyang bagong bahay
  • Bagama’t hindi pa tapos, kitang-kita na ang ganda nito lalo na ang mga silid
  • Masaya naman ang fans ni Scottie sa tagumpay ng kanilang idolo 

Matagumpay ang karera ni Scottie Thompson bilang isnag professional basketball player. Mula sa multiple championships, finals most valuable player award, at stint sa national team bilang bahagi ng Gilas Pilipinas, marami ding naipupundar na ari-arian ang player.

Sumabak na rin sa vlogging si Scottie at sa isa sa kanyang latest upload, ipinasilip niya ang kanyang bagong gawang bahay. Kahit hindi pa ito tapos at hindi pa nalalagyan ng maraming kagamitan, kitang-kita ang ganda nito na nagpamangha rin sa kanyang fans.

Larawan mula sa YouTube vlog ni Scottie Thompson

Ayon kay Scottie, almost 80 percent done na raw ang kanyang dream house. Gustong-gusto raw ni Scottie ang lokasyon ng kanyang bahay dahil corner lot ito. Mas maluwag daw kasi ito at mas malawak ang lote sa gilid na maaaring maging parking.

Malawak ang unang palapag ng bahay kung saan makikita ang receiving area, ilang banyo, sariling gym, at ang malawak na dining room at kitchen. Maraming silid ang mayroon nang gamit ngunit hindi pa nakaayos. Ang karamihan nga, nakabalot pa at balak nilang iayos kapag tapos na tapos na ang konstruksiyon ng bahay.

Sa ikalawang palapag naman makikita ang family area ni Scottie. Naroon din ang maraming kuwarto kabilang ang guest room, master’s bedroom, at ang isang silid na inihahanda ni Scottie bilang nursery sakaling magkaroon na siya ng mga anak.

Pero ang pinakapaborito raw ni Scottie sa mga kuwarto sa kanyang bahay ay ang shoe at video game room niya. Bilang isang basketbolista, marami na ring naiipong sapatos si Scottie na napamahal na rin sa kanya kaya naman naglaan siya ng isang silid para sa mga ito.

Larawan mula sa YouTube vlog ni Scottie Thompson

Sa shoe room din niya ilalagay ang kanyang mga gaming console. Ang entertainment rack niya nga ay napaliligiran ng shoe cabinet na magsisilbi na ring disenyo ng kuwarto. Maglalagay din daw siya ng barber chair sa nasabing kuwarto upang doon na lang siya gugupitan. Mayroon kasi chain of barber shop si Scottie.

Mayroon ding swimming pool sa bahay na ito ni Scottie. Hindi pa ito tapos at ang kasalukuyang tinatrabaho upang matapos na ang kanyang dream house. Maraming fans naman ni Scottie ang natutuwa dahil sa pagiging wais at marunong ni Scottie sa paghawak ng kanyang kita.

Panoorin ang house tour ni Scottie:

Loading…