Broadway diva Aicelle Santos ipinagdarasal ang kapatid na nurse sa UK; sana raw ay mabigyan ng sapat na PPE

  • Nag-aalala ang Broadway diva na si Aicelle Santos para sa kapatid na nurse sa United Kingdom
  • Nag-alay ng panalangin at papuri si Aicelle para sa mga frontliners kabilang ang kapatid
  • Panawagan niya rin na sana ay mabigyan ng sapat na PPE ang mga nurse sa UK para na rin sa kaligtasan ng mga ito

Hindi lamang sa Pilipinas nagsisilbi ang mga health workers natin. Mayroon ding mga overseas Filipino workers (OFW) na nagsisilbi ngayon bilang frontliners sa abroad. Bago pa man kasi naging pandemic ang C0VID-19, nasa ibang ibayo na sila upang makipagsapalaran para sa isang maayos at magandang pamumuhay.

Isa sa mga frontliners abroad ay ang kapatid ng Broadway diva at Kapuso singer na si Aicelle Santos. Nagtatrabaho ang kapatid ni Aicelle na si Aaron sa United Kingdom (UK) bilang isang nurse. Mataas ang bilang ng may C0VID-19 sa UK na umabot na sa higit 88,000 katao.

Larawan mula sa Instagram post ni Aicelle Santos

Dahil magkalayo ngayon, walang ibang magawa si Aicelle kung hindi ang ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang kapatid.  Kasabay nito ay ang pagpupugay ni Aicelle sa lahat ng frontliners saan mang sulok ng mundo dahil sa walang sawa nilang pagtatrabaho upang tuluyang matalo ang pandemic.

Sa isang Instagram post, binigyan ni Aicelle ng papuri ang kapatid at lahat ng frontliners. Panawagan niya, lagi raw sanang mag-iingat ang kanyang kapatid. Sana rin ay mabigyan daw ng UK ng kumpleto at wastong personal protective equipment (PPE) ang mga health workers.

“We honor and pray for all our frontliners, including my brother, a nurse in the UK. Mag-iingat ka palagi @aarondcsantos. God’s grace and covering upon you all always. We love you. At sana mabigyan na kayo ng kumpletong PPE. Hello UK?!” pahayag ni Aicelle sa kanyang post.

Makikita rin sa post ni Aicelle ang video ng kapatid ni Aicelle na tinatahak ang daan patungo sa 0spital na pinagtatrabahunan sakay ang bisikleta nito. Kalakip din nito ang larawan ng kapatid ni Aicelle na walang suot na PPE bagkus nakabalot lang ng plastic ang katawan.

Larawan mula sa Instagram post ni Aicelle Santos

Marami naman ang naka-relate sa post ng Centerstage judge na si Aicelle. Ilan kasi sa mga fans at followers niya sa social media ay mayroon ding kaanak na frontliner sa ibang bansa. Katulad ni Aicelle, nananalangin sila palagi ng kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pinatotohanan din ng ilang netizen na may kakilala sa UK ang tila pagsasawalang-bahala ng pamanuan ng UK sa pangangailangan ng mga frontliners.

Loading…