“Brutally frank pero may point”: Netizen ipinahayag ang saloobin hinggil sa pagiging “privileged”

  • Ibinulalas ng isang ‘di–ipinakilalang netizen ang kaniyang “brutally frank pero may point” na saloobin
  • Hinggil ito sa mga taong pumupula sa mga “privileged” o mga taong may pambili ng kanilang mga pangangailangan sa bahay kahit na walang matanggap na ayuda o kahit magtagal pa ang enhanced community quarantine
  • Hindi raw nila kasalanan kung nagsumikap sila sa buhay upang matamo ang kanilang kalagayan ngayon

Hindi na napigilan ng isang netizen na ibulalas ang kaniyang saloobin hinggil sa “pagbanat” ng ilang mga social media users sa mga “privileged” o iyong mga taong may kakayahang bumili ng kanilang mga pangangailangan o stocks sa bahay kahit na walang matanggap na ayuda o relief goods mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa Facebook post ng isang “Von Escueta”, brutally frank man ang pagkakasabi subalit may point umano ang isang netizen na hindi niya ipinakilala na nagbulalas ng naturang sentimyento hinggil sa umano’y “panghuhusga” sa mga tao o pamilyang nakabili ng mga suplay bago pa man ihayag ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Imahe mula sa Facebook account ni Von Escueta

Batay sa post na kaniyang ibinahagi, naiirita na raw ang naturang netizen sa mga taong nagsasabing kaya hindi nagbibigay ng reaksyon o komento ang ilang mga “privileged” ay dahil hindi sila nagugutom at parang kasalanan pa nila na may sapat na pagkain sa bahay. Prangkang sinagot naman ito ng naturang netizen.

“Noong panahong wala pang COVID–19, nagtrabaho kami nang maayos at nagsakripisyo na mawalay sa mga pamilya namin, habang yung iba nakatambay lang, noong pinag–aaral kami, tinapos namin ang pag–aaral namin, samantalang yung iba, mas pinili lang ang maglaro o bumarkada,” ayon sa kaniya.

Sa pagpapatuloy, “At huwag na huwag ninyong sasabihing kayo ang kawawa, nagdesisyon kayo na mas piliin ang madaling daan, ang iasa sa iba at chansa ang kinabukasan ninyo, kaya huwag ninyong sabihin na kasalanan ng iba kung bakit ganyan ang buhay ninyo.”

Ayon pa sa kaniya, kailangan daw nating matutong tanggapin ang responsibilidad sa ating mga sarili at huwag iasa ang buhay sa mga politiko. Ang pagpapabagsak umano sa isang politiko ay ikaaangat naman ng isa, at ang malaking tanong diyan, may mababago ba?

Public Domain Image

Ikaw, sang–ayon ka ba sa kaniyang tinuran?

Loading…