Buhay Probinsya: Kyline Alcantara nagkudkod ng niyog, ibinahagi ang kinamulatang buhay

  • Kyline Alcantara nag-post ng video habang nagkukudkod ng niyog
  • Sabi ni Kyline, siya ang tagakudkod sa kanilang bahay mula pagkabata
  • Nag-trending ang post ni Kyline sa social media

Naranasan mo rin bang magkudkod ng niyog? Marami ang lumaki sa pagkukudkod ng niyog partikular sa mga nakatira sa probinsya. Sangkap kasi ito sa napakaraming paboritong pagkain ng mga Pinoy gaya ng ginataang manok, ginataang papaya at iba pang ginataang recipe.

Image capture of video by Kyline Alcantara via Instagram

Para makakuha ng masarap na gata, gumagamit ng kudkuran para gawing pino ang laman ng niyog. Ito ay pipigain para makuha ang “kakang gata” at dinaragdagan pa ng tubig saka muling pipigain para makakuha ng mas maraming gata.

Sa panahon ngayon na nakagawa na ng paraan para makagawa ng artipisyal na lasa ng gata, marami pa rin ang hindi nakalilimot sa mga masasayang alaala ng pagkukudkod ng niyog dahil iba pa rin ang pinaghihirapan ang pagluluto ng pagkain.

Isa na d’yan ang artistang si Kyline Alcantara na hindi nakalilimot sa payak na buhay sa probinsya bago natamo ang kasikatang tinatamasa.

Gamit ang kanyang social media account, ibinahagi ni Kyline ang larawan at bidyo na nagpapakita ng pagkukudkod ng niyog.

Nasabi rin niya na isa ito sa mga ginagawa niya noong bata pa lamang siya.

“Swipe left to see who’s the taga “kud-kod” of the house ever since she was a kid. Hihi. Missed this,” sabi niya.

Pagbabahagi ng GMA News, kasalukuyang nasa kanilang probinsya sa Bikol ang aktres habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Image capture of video by Kyline Alcantara via Instagram

Bida si Kyline sa palabas na Bilangin ang Butin sa Langit ng GMA Network na itinigil ang taping dahil sa ipinatutupad na ECQ.

Nakilala siya sa mga palabas na Annaliza at Kambal Karibal. Sikat din siya sa social media.

Agad namang nag-trending ang post ni Kyline na nakakuha na ng higit 66,700 reaksyon sa Instagram.

Sabi ng isang tagahanga, “Ang ganda naman ng taga-kudkod. Ako din, taga-Bikol kaya alam ko ‘yan.”

Tunay ngang masaya ang simple ngunit masayang buhay sa probinsya.

 

View this post on Instagram

 

Swipe left to see who’s the taga “kud-kod” of the house ever since she was a kid… hihi? Missed this. ??

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

Loading…