Bukod kay “Iron Man”: Young artist, iginuhit din ang mukha ni “Thor”

  • Iginuhit ng isang young artist ang mukha ni “Thor Odinson” ng Avengers sa pamamagitan ng charcoal pencil
  • Ang karakter na Thor ay ginampanan ng sikat na Hollywood actor na si Chris Hemsworth
  • Nauna nang iginuhit ng young artist ang mukha ni Robert Downey, Jr. na nakilala bilang “Tony Stark” o “Iron Man”

Muling ibinahagi ng isang young artist na si “Jherald Alfred Blanco” ang angking husay sa sketching matapos niyang ipakita ang iginuhit na mukha ni “Thor Odinson”; isa sa mga sikat na tauhan ng pelikulang “Avengers” sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe. Ang tauhang ito ay hango sa Norse Mythology.

Ayon sa kaniyang Facebook post, iginuhit niya ang mukha ni Thor na ginampanan ng Hollywood actor na si Chris Hemsworth noong taong 2018, sa pamamagitan ng charcoal pencils. Kahanga–kahanga sapagkat nakuha niya ang kaliit–liitang mga detalye sa mukha ni Thor, batay sa pinagbatayan niyang poster.

Imahe mula sa Facebook account ni Jherald Alfred Blanco

“I was looking at my old drawings on old sketch books and I came across this piece I made in 2018. So I thought I wanna share this artwork because this reminds me of how far I’ve come when it comes to drawing (not really that far but it’s still progress!),” ayon sa caption ng kaniyang post.

Marami naman ang nagpahatid ng paghanga at papuri sa kaniyang obra maestra.

“Another masterpiece! Great job. Si Thanos naman next time, o kaya ‘yung matabang Thor hehehe,” sabi ng isa.

Hiling naman ng isa, “Ang ganda! Sana lahat po ng characters ng Avengers magawan mo po ng sketch. Just continue sharing your talent!”

Nauna na niyang iginuhit ang mukha naman ni “Iron Man” na ginampanan ni Robert Downey, Jr. na talaga namang nagpahanga sa mga netizens.

Ayon sa artist, hindi talaga siya komportableng ibahagi sa social media ang kaniyang mga “obra maestra” dahil nahihiya siya sa maaaring maging feedback ng mga taong makakakita nito. Ngunit sa panahon ng enhanced community quarantine kung saan nakaiinip na nga naman, nilakasan niya ang loob na i–post ang kaniyang likha.

Imahe mula sa Definitely Filipino Balita

Dahil sa magagandang feedback, ipinangako ng artist na ipagpapatuloy pa niya ang pagbabahagi ng kaniyang mga likha sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Kudos sa iyo! Ang mga ganitong talento ang nararapat ipagmalaki sa social media!

Loading…