Buntis na nurse ‘di nakaligtas sa COVID-19, baby naisalba

  • Buntis na nurse hindi nakaligtas sa COVID-19
  • Sanggol naisalba sa pamamagitan ng emergency c-section
  • Hindi pa nalalaman kung ang sanggol ay mayroon ding COVID-19

Isang nagdadalantaong nurse sa London ang sinawimplad na hindi nakaligtas sa coronavirus disease, subalit ang kanyang supling ay naisalba sa pamamagitan ng emergency C-section.

Imahe mula sa Pixabay

Ang nurse na nakilalang si Mary Agyeiwaa Agpayong, 28 anyos, ay isinugod sa pagamutan noong nakaraang linggo nang makitaan siya ng sintomas ng COVID-19 at kinalaunan ay nagpositibo matapos ma-test.

Agad na lumala ang kanyang kundisyon kaya napagpasyahan na magsagawa ng emergency c-section upang maisalba ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Pinangalanan ding Mary ang baby at tinawag na “beacon of light at this very dark times.”

Hindi pa nalalaman kung ang sanggol ay mayroon ding COVID-19.

“It is with great sadness that I can confirm the death of one of our nurses, Mary Agyeiwaa Agyapong, who passed away on Sunday. Mary worked here for five years and was a highly valued and loved member of our team, a fantastic nurse and a great example of what we stand for in this trust,” mensahe ni David, Chief executive ng Carter Bedfordshire Hospitals NHS Foundation Trust.

Imahe mula sa GoFundMe

“She tested positive for Covid-19 after being tested on April 5 and was admitted to the hospital on April 7. Our thoughts and deepest condolences are with Mary’s family and friends at this sad time,” saad pa ni Carter.

Isang GoFundMe fundraiser ang pinasimulan ni Rhoda Asiedu at dalawa pang iba, na nakasama niyang nagtrabaho sa Carter Bedfordshire Hospitals NHS Foundation Trust.

“I am raising this funds for her immediate family; her husband, AJ and her baby girl little Mary, who was born at the time of her demise,” ani Asiedu.

Umabot na sa mahigit £154,403 ang nakalap ng fundraiser.

Loading…