Buti pa sila! Mga pusa, naispatang sumunod sa social distancing

  • Naispatan ang apat na pusa na sumusunod sa social distancing
  • Ibinahagi ito ng isang netizen na iniulat naman ng GMA News pampa-good vibes
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Ang social distancing o paglayo ng may isang metro sa kausap o kapwa ay isa sa mga precautionary measures na dapat sundin ng mga tao upang mapigilan ang paglaganap ng COVID–19. Nakukuha umano ito sa mga “droplets” na maaaring maipasa–pasa sa pamamagitan ng pakikihalubilo. Subalit marami pa ring mga tao ang lumalabag dito.

Kaya naman, napa–”buti pa sila” ang mga netizens sa isang larawan na nagtatampok sa mga alagang pusa na sumunod sa social distancing. Ayon sa ulat ng GMA News, ang naturang larawan ay ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “April Salalinga” mula sa Nangka, Marikina City.

Imahe mula sa Facebook account ni April Salalinga/GMA News/Public Domain Image

Ayon sa kaniya, nanay niya ang may alaga sa mga pusa. Makikita sa naturang larawan ang apat na cute na pusa na nakahiga sa semento sa harapan ng tindahan. Ang nasabing mga pusa ay nagngangalang “Orange”, “Batik”, “Putol” at “Gray”.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Actually cats are pretty intelligent. Its just sometimes they really act base on instincts and due to some of their attitudes and behavior,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “It seems so cute and cuddly, but we can learn something from these cats in times like this pandemic. Salamat sa mga pusa.”

“Mabuti pa mga pusa nakakaintindi ng sitwasyon ngayon. Samantalang yung mga taong nag-aral, ‘yun pa mga sakit sa ulo at walang disiplina,” pahayag naman ng isa.

Komento naman ng isa, “True, ang mga tao ang sobrang mga pasaway kaya nag–scattered na ang coronavirus kahit saan, lalabas walang face mask. May mag–iikot na patrol cars, kapag wala na, ayon parang normal na naman sila.”

Hindi pa man natatapos ang extended ECQ, marami ng mga “pasaway” ang nahuhuling lumabag sa mga panuntunan ng ECQ dahil patuloy pa ring lumalabas sa kani–kanilang mga tahanan, kahit hindi naman kailangan.

Public Domain Image

Nawa ay maging ehemplo ang mga pusang ito sa ating mga tao!

Loading…